THE DIARY GAME : (08/10/2020) | Ang Huling Hantongan Nang Tao (Human's Last Destination)steemCreated with Sketch.

in Steem SEA7 months ago

Isang Magandang Araw sa Lahat!!!

Ngayong araw na ito ay masasabi kong napaka lungkot para sa amin dahil sa araw na ito, inihatid na namin sa huling hantongan ang isa sa aming kapatid sa pananampalataya na si Uncle Celerino Dompor.

Kong inyong naalala, siya ay ang kapatid namin sa pananampalataya na pinatay nang kanyang pamangkin sa hindi alam na dahilan.

Sa mahigit na tatlong araw na pagtatago, sa wakas ay nahuli na rin ang pumatay sa kanya.

Noong tinatanong siya kong bakit niya iyon nagawa, hindi niya daw alam, wala daw siyang alam sa nangyaring pag patay sa kanyang tiyohin.

Subalit, maraming mga testigo ang mga naka saksi sa nangyari, pati rin ang kanyang anak na labing dalawang taong gulang ay naka saksi at kong tatanongin ito para siya natatakot o na trauma sa nangyari.

MVIMG_20200810_112242~2.jpg

Sa mga oras na ito, ibinabahagi na nang aming pastor ang mga huling mga salita para sa mga taong nakikiramay at pati na rin ang pag bibigay nang lakas nang loob sa mga kaanak nang namatay namin na kapatid sa pananampalataya.

Medyo konti lamang ang nakarating dahil nga sa mga krisis na dulot nang COVID-19. Ang mga kaanak na nasa malayong lugar ay hindi na naka punta dahil ipinag bawal ang pagba byahe. Subalit, sa kabila nang lahat nang ito , masasabi pa rin natin na marami ang nakiramay sa kanila.

MVIMG_20200810_112528~2.jpg

Karamihan sa mga nakiramay ay matatanda kasi nga ang namatay ay isa na ring Senior Citizen at atin ding nakikita na karamihan ay nag susuot nang Facemask para na rin sa pag sunod sa Health Protocol na pinapatupad nang Barangay at nang gobyerno.

Hanggang sa huling sandali, sinaman siya nang kanyang mga kasamang Senior Citizen hanggang sa huling hantongan.

Talagang masakit ang mawalan nang minamahal sa buhay, kaya ang akin lamang masasabi ay dapat nating pahalagahan ang mga mahal natin sa buhay, lalong lalo na ang ating pamilya habang sila ay atin pang kapiling, kasi baka sa oras na sila ay mawawala na at hindi natin napadama ang pagmamahal, huli na ang lahat.

Mahalin natin sila, alagaan at ating pahalagahan ang lahat nang kanilang ginagawa upang madama din natin ang kanilang pagmamahal.

At ito lamang ang maibabahaging #thediarygame ko para sa inyong lahat at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat.

Salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito.


Ni Recruit ni @fycee kasama ang Team Philippines Update

Sort:  
 7 months ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih

Thank you very much @ernaerningsih for dropping by.😇

 7 months ago 

Your most welcome

Thank you for taking part in The Diary Game on Steem.

And thank you for setting your post to 100% Powerup.

Keep following @steemitblog for the latest updates.

The Steemit Team