#253 Filipino Poetry: "Naku po Inday!"

"Naku po Inday!"


Nakakaumay talaga pag walang magawa sa buhay
scroll down dito, scroll down doon
pindot dito at pindot doon
nilamon na ata tayo ng social media ngayon

Selfie sa umaga at Myday sa gabi
walang ibang gawa kundi mag post
at ibaranda ang kanilang sarili
kulang nalang mag live siya umaga hanggang gabi

Nawiwili sa kakapindot para sa selfie
kulang nalang magka abs ang kanilang daliri
ang mga gawain sa bahay ay ga bundok na
baka ikaw ay langawin na at baka piktusan kapa ni Mama

Ano na ang nangyari sa henerasyon ngayon
imbis makihalubilo sa personal at
gawin ang tamang gawain sa bahay
naku po inday tama na sa kaka selfie mo inday


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!