#148 Filipino Poetry: "Hangin"
"Hangin"
Kahit na it'o pumapangalawa,
Malaki ang tulong nito at ginhawa
Hangin ang isa sa mga elemento
Na nagbibigay buhay sa mga tao
Hangin na kung mawawala
Ewan ko lang kung anong epekto nitong masama
Dahil para inyung malaman
Sangkap ito sa apoy at tubig na pinagmulan
Kung minsan, hangin ay nag-iiba
Parang damdamin na nawawala
Papalit palit ito ng temperatura
Na nagdidikta ng ating klima
Hangin na may direksyon
Norte, Timog, Kanluran at Silangan ang tuon
Humihigop ng lakas sa kahit saan
Nilalabas ang bugso at may kasama pang ulan
Hangin na turing natin ay libre
Wag abusuhin at ng mabango kung aamuyin
Simbolo ito ng buhay kung minsan
Minsan naman, ito'y kumikitil ng buhay ng nilalang.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash
Napakahusay mo po! I'm totally enjoying to see how creative Filipinos are! But mostly when the love for our country is displayed.. incomparable! Proud Pinoy!