My First Filipino Poetry

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

rain-2589417_960_720.jpg
PHOTO SOURCE: PIXABAY


DI INAASAHAN

Tuwa at kaba ang iyong naramdaman
Sa malapit na pag uwi sa bayang sinilangan
Masaya sa iyong balitang natanggap
Malapit nang makita ang pamilya at mayakap

Ika’y naunang umalis sa tahanan
Para ayusin mga dokumentong kailangan
Di maalis sa akin ang pag-alala
baka sa iyong lakad di maganda ang resulta

Kaba at takot ang aking naramdaman
Hindi maipaliwanag ang aking dinadamdam
Sa aking pag uwi ay wala ka pa rin
Naging balisa at di alam ang aking gagawin

Tawag na natanggap di inaasahan
Nakakapanghina ng aking tuhod at kalamnan
Pinipilit tumawa sa’ting usapan
Kahit masigla alam kong ika’y nahihirapan

Konting tiis nalang aking kaibigan
Naniniwala akong magagawan ng paraan
Pagdadasal huwag na huwag mong kalimutan
Ayaw mo mang paniwalaan pero Siya ay nandiyan


26132772_267668383761931_1677335385_o.png

banner.png

Sort:  

The @OriginalWorks bot has determined this post by @katiepals to be original material and upvoted it!

ezgif.com-resize.gif

To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!

Please note that this is a BETA version. Feel free to leave a reply if you feel this is an error to help improve accuracy.

isa ka pong makata.

Thank you sa compliment @zeppelin :)

You're good at this! Keep writing! ^_^

Thank you again, @jenpotgb! I'm happy that you appreciate my work :)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 59148.41
ETH 2526.30
USDT 1.00
SBD 2.48