BATO, PAPEL, GUNTING

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

images.jpg

Photo Source

Bato, papel, gunting.
Tatlong bagay na pumupukaw sa aking paningin.
Parang puso mo na parang bato, masakit isipin na ako'y nawawasak lang dahil sayo.
Sinaktan, binabalewala, ako'y nanlumo.
Ako'y tao lang naman na gustong makuha ang atensyon mo.
Ano pa nga ba naman ang papel ko sa buhay mo?
Isa lang akong tagapaghanga na lihim na umiibig sayo.
Parang gunting na napakatalim, na unti - unti akong tinutusok at hinihiwa pero hindi ko masyadong napapansin.
Sa una, hindi ko masyadong naintindihan ang aking nararamdaman.
Pero nang tumatagal na, naging klaro na ang lahat sa akin.
Unti - unting napapansin na iniibig na pala kita pero ako ay nahuli na.
Ang pagmamahal ko sayo ay parang bato, papel at gunting.
Kahit na ikaw ay may pusong bato, kahit wala na akong papel sa buhay mo.
Kahit na ako'y sinasaktan nang palihim, hindi kita masisisi kasi ito ang aking hiling, ito ay ikaw ay aking iibigin.

Sana'y magustuhan niyo.

signature_1 (3).gif

DQmdSAy5H4g8Cmx3o6CvtWBUFzr416uhCrri27payd5vBFB.gif

Sort:  

Ang ganda ng pagkaka likha at kung paano nai konek ang papel, gunting at bato sa saloobin ng akda.


Salamat sa paglikha ng akda sa Tagalog pagdamutan mo nalang ang aking munting upvote, resteem at pag feature sa iyong gawa sa aking arawang "curation"

Sulat ka pa ng mga Tagalog na likha! dadami din tayo dito sa Steemit.

Para makita pa ang ibang likha na tagalog maari mong tignan ang
Ikatlong Edisyon ni Tagalog Trail

Mahusay. Upvoted

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 59077.53
ETH 2518.13
USDT 1.00
SBD 2.48