"Tunay na Kaligayahan"| Filipino poetry
Magandang araw mga steemyans! Narito po aking munting tula na aking akda. At sana po ay magustuhan nyo po ang nais ipabatid ng aking simpleng tula.😊
Katha ni: @blessedsteemer🙏
Matagal na rin itong panahon,
Walang sagot sa aking mga tanong.
Kaligayahang matagal ko ng hinahanap,
Bakit kay ilap at di ko siya mahagilap.
Marami akong mga kaibigan,
Ngunit paimbabaw ang ligayang aking nararanasan.
Kaya tanong ng puso ko at isipan,
Bakit ang ligayang nadarama ay parang kulang.
Sa aking paghahanap ng kasagutan,
Lahat ng bagay sa mundo ay aking sinubukan.
Subalit ang ligayang dulot niya ay salat,
At ang kaligayahang nadarama ay di sapat.
Kayamanang aking tinatamasa,
Kaligayahang dulot niya ay pansamantala.
Kaya sa aking pag iisa,kaya sa langit ako ay nakatingala,
Hinahanap ang kasagutan ng mga tanong sa aking puso at diwa.
Sa aking pagsasaliksik ay aking natuklasan,
Na kahit buong mundo ay mapasayo man.
Kapag may hinanakit ka at poot sayong kalooban,
Kailanman ay di mo mararanasan ang tunay na kaligayahan.
At isang bagay pa ang aking nalaman,
At aking natagpuan sa Banal na Kasulatan.
Na lumapit tayo sa Diyos at sa Kanya manahan,
At tiyak ang "tunay na kaligayahan" ay ating makakamtan!
Maraming salamat po sa inyong pagbasa! Hanggang sa muli mga kabayan at steemyans!🙌
@blessedsteemer🙏
See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.
If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto
Thanks sir!😊