SASAKYAN.

in #steemph8 years ago

Kumusta mga katropa at mga ka-steemit ko. Ngayon araw aking itatampok ang aking ikalimang araw para sa buwan ng wika. Wala kasi ako kahapon kaya dodoble na lang ako ngayon. Ngayon ang tema ay "sasakyan" mamaya naman ay "dahon". Kahapon kasi tumulong ako magtanim para sa mga nasalanta ng baha sa Santa Maria, Bulacan. Kaya naman inaanyayahan ko kaya at hinihimok na magsulat gamit ang ating pambansang wika; TAGALOG.

Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng isang sasakiyan, sa tingin ko ang pipiliin ko ay ang sasakiyan na puwedeng panghanapbuhay at puwede ring panggala. Isipin mo na lang mayroon kang sasakyan na pwede mong ipanghanapbuhay tapos ay puwede mo ring ipanggala. Ang sarap siguro magkaroon ng sasakya na kagaya ng; Super Grand Dia o kaya naman Mitsubishi Shuttle. Wala man akong pamilya, masasabi ko na puwede kong gamitin kapag kasama ko na mga kamag-anak ko at mga kaibigan. Kapag wala namang gala at may tawag na aarkelahin ang sasakyan siyempre laban lang! May bayad kana nakagala sa ibat-ibang lugar sa Luzon. Siyempre to any point of Luzon lang tayo hehe. Hanggang Masbate lang. Hindi na puwede sa Visayas at Mindanao kasi takot ako sa mga karagatan o dagat o kung ano man iyan. Masbate lang kasi kahit ayaw ko Luzon pa rin iyan. Sakop pa rin ang Masbate ng Bicol Region.



b7jfgf7dk2.png

Pixabay


Ibat-iba ang uri ng mga sasakyan; sa dagat, sa himpapawid at sa lupa. Ako dahil sa tiga-Luzon ako ay madalas kong masakyan ang trycyle, ordinaryong motor lang at dyip. Ibig kong sumakay sa mga sasakayang panghimpapawid subalit ako'y isang ordinaryong tao lang. Kailang siguro ilibre ako ng ate ko para makasakay lang sa helicopter. Eruplano oo nakasakay na marami-rami na rin siguro. Sa sasakyang pandagat naman, sa tingin mo submarino na lang ang hindi ko pa nasasakyan. Ang submarino kasi ay para sa mga sundalo lang talaga, isa pa wala pang submarino ang Pilipinas.

Ang gaang-gaang ng buhay natin dahil sa sasakyan. Hindi na tayo maglalakad sa gitna ng arawan kasi may mga motor na tayo. Isa pa mapabibilis din ang proseso nang lahat-lahat. Nga lang sa mga siyudad ay madalas trapiko kaya tiis-tiis lang mga kababayan at maaayos din ang lahat.

Paalala lang pong muli huwag na huwag pong magmamaneho kapag nakainom. Marami po kasing puwedeng idulot ang pagmamaneho nang lasing. Sa katunayan ay walang idudulot na maganda iyon, kadalasan ay aksidente lang po. Mangyari po sana sa sumunod na rin po sa batas. Huwag na huwag pong kalilimutan ang lisensiya hangga't maaari po. Matutu na rin pong magbigay, nang sa gayon ay maiwasan ang gulo sa kalsada at trapiko na rin. Huwag rin po sana mainitin ang ulo (sa itaas mga ungas) ngunit may baril ay matapang na. Kapag mali po sana kayo ay tanggapin niyo na para walang problema.

Hayan lang po ang aking mga nais sabihin sa tema ngayong araw na "sasakyan". Ito po ay isang buwan kong gagawin dahil Buwan po ng Wika ngayong Agosto. Maraming salamat po sa inyong lahat.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.094
BTC 62057.21
ETH 1736.41
USDT 1.00
SBD 0.39