Writing Tips: Why Do You Write?

in #tips6 years ago

Okay. Wala sanang mao-offend. May mga writers akong nakikita na nagpo-post sa Wattpad groups na gustong maging writer pero di daw nila alam ang isusulat. Siyempre kanya-kanyang trip iyan. Opinyon ko lang naman ito. Pero bakit sila magsusulat kung wala naman silang isusulat? Writer sila pero wala silang naiisip isulat. Kaya ang nangyayari nanghihingi pa sila ng isusulat sa ibang tao. Na parang ibang tao ang nagdidikta sa dapat nilang isulat.

Para sa akin, ang essence ng pagiging writer ay ang pagko-convey kung ano ang nasa puso mo o kung ano ang iniisip mo. May mensahe ka na gustong iparating sa mga tao.

Bakit kailangan mo pang kumuha ng idea sa ibang tao para makapagsulat lang? Do you want to be a writer masabi lang na writer ka at sumikat ka? You want to say something, then say it. Or write it rather. Ganoon kasimple.

Hindi ko na ito palalalimin. Baka ma-shock ang new writers pag humaba ang usaping ito. Ire-reserve ko na lang ito sa mas malupit na talakayan next time. I will keep this sweet and simple.

Writers write because they have purpose in writing. No, wag nating unahin ang pa-peymus effect. Writers write because they want to convey a message. Minsan nagsusulat ang iba para sa sarili nila. Sila lang daw makakabasa. Pero kung nasa Wattpad ka, siguro naman nagsusulat ka rin kasi gusto mong may makabasa pero ano ang purpose mo sa pagse-share ng saloobin mo?

  • To inform - Gusto mong ipaalam sa mga tao ang tungkol sa mga bagay-bagay. Maaring may pakinabang ang impormasyon na ise-share mo.

For example, in Skylander Series that I co-wrote with Sonia_Francesca, gusto naming i-inform ang mga tao kung gaano kaganda ang Sagada. Nakarating na kasi kami doon. We wrote a novel about it.

Sa nobela kong Silang, The Fierce Warrior (shown in ABS-CBN as Hiyas) I discussed about the mummies of Cordilera and the culture of Cordilleran tribe.

  • To persuade - Gusto mong manghikayat ng tao. Maaring may advocacy ka, maaring gusto mo lang i-persuade ang mga tao na di kailangang ganda lang ang mahalaga sa mundo. O pwedeng may magmamahal sa iyo kahit na mataba ka. O i-encourage mo ang iba na mag-aral.

Sa kwento ko na Barely Heiresses: Amira, I want to persuade people that mining is not good for the environment. Kaya ipinakita ko iyon sa kwento ko. O i-persuade ang mga turista at locals na pahalagahan ang magagandang lugar gaya ng Sagada kung hindi ay tuluyan itong masisira.

  • To inspire: Gusto mo na maka-touch ng puso ng mga at i-encourage sila na maging mas mabuti o mas umayos ang buhay nila. Pwedeng ang kwento ay makatulong para hindi mag-suicide ang isang tao, maka-move on siya sa pagiging brokenhearted, maging matatag mula sa nambu-bully sa kanya o iwan ang isang abusive na relasyon.

Sa novel ko na Kissing the Christmas Killer, tungkol ito sa kay Ashley na umuwi ng Pilipinas para iuwi ang Tatay niya sa Amerika at ilayo sa gold digger nitong boyfriend. Yes, boyfriend. For the longest time, puro trabaho lang ang mahalaga sa kanya. Pero pagdating niya sa Pilipinas, natagpuan niya ang hubaderong pintor na si Robinson na nagturo sa kanya kung paano magmahal.

Naipakita dito kung gaano kahalaga ang pagmamahalan ng pamilya di lang tuwing Pasko kundi araw-araw. Na di mo naman kailangang maging matigas o unfeeling. Kailangan mo rin hayaan ang puso mo na magmahal. O minsan, masyado tayong busy sa career at trabaho o pagpaparami ng pera, nakakalimutan natin ang mahahalagang bagay.

If Only Love is about a Toni, a popular multimedia diva who lost everything - her family, her boyfriend, and even her career. Natuklasan kasi niya na may tumor siya sa utak na nakakaapekto sa pandinig niya at nabibingi na siya. Kaya di na siya makakakanta. Gusto na niyang mamatay kasi pakiramdam niya wala na siyang purpose sa buhay. Pero dumating si Rushmore para ipakita sa kanya na pwede siyang lumaban at maging inspirasyon sa iba.

Isinulat ko ito sa mga tao na maaring nawawalan ng pag-asa sa buhay o kaya ay nakabingit sa kamatayan. Pero nakabawi naman sila sa huli at nilabanan ang kamatayan at kapansanan na pwedeng harapin nila. Di kapansanan o pagiging pipi, bulag, bingi o pilay ang katapusan ng mundo.

  • To entertain: This is the fun part. Gusto mong mang-aliw ng tao - either gusto mo silang pakiligin, takutin, patawanin, paiyakin at kung anu-ano pang emosyon na trip nila. May mga kwento na mema lang minsan o parang trip lang pero parte iyon ng entertainment.

I guess, Stallion Series ang best example nito. Siyempre tandem kami ni Sonia_Francesca na ginawa namin dahil masarap isulat. At gusto namin good vibes lang.

I Remember the Boy: Bonifacio was written as a diary of my teen pabebe days. Kaya entertainment lang ito kaya masaya.

Baby, Be Mine naman ay tungkol sa babaeng napilitang maging babymaker sa isang lalaki na ang gusto lang ay ang pamilya niya. Para naman ito sa gusto ng iyakang umaatikabo.

WHATEVER your purpose in writing is, make sure to have fun. Nagsusulat kayo para mag-enjoy. Bago natin pasayahin ang ibang tao sa sinusulat natin, dapat masaya din tayo sa sinusulat natin. Kundi tayo masaya sa sinusulat natin, paano natin mapapasaya ang iba?

Note: Ang mga nobelang binanggit ko sa taas ay mababasa ang preview dito sa Wattpad, pwera sa Skylander at Silang the Fierce Warrior. Pero pwede po nilang mabili ang mga librong iyan sa Precious Pages Bookstores, Pandayan Bookstore, Booksale, National Bookstore, Expressions, online sellers, at ebook sa www.preciouspagesebookstore.com.ph.

For other novels of mine na published na, you can check Sofia PHR or Sofia PHR Page on Facebook. Nakapost po doon ang cover ng novels ko.

16508625_1610959808919380_3718933472850176513_n.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66134.08
ETH 3556.67
USDT 1.00
SBD 3.13