To All Aspiring Writers: How to Write the Ending?

in #tips6 years ago (edited)

Di naman talaga ito dapat ang topic pero dahil may first letter sender ako (Charotelli!), pagbibigyan ko na siya. Will rearrange the topics later.

The question is from arcchione: Bakit po mahirap magsulat ng ending?

Bakit nga ba? Actually pinaka-challenging naman talaga ang magsulat ng ending. You have to wrap up the story. Of course, you have to end it with a bang. Sanay ako sa romance pero dahil nasa Wattpad tayo, nasa inyo kung gusto ninyo na tragic ang kwento o open-ended o hanging.

Mahirap magsulat ng ending maaring dahil sa mga sumusunod na factors:

  1. You don't know how to untangle the web you created in your story.

Hahaha! Sakit ko ito. Alam ko masaya ang ending ng mga bida ko pero dahil ang hilig ko sa masalimuot na conflict, nahihirapan akong mag-untangle.
Solusyunan mo ang mga problemang kinakaharap ng characters mo. Ikaw gumawa ng problema na iyan kaya solusyunan mo.

Mas mahirap ito for romance writers. Kasi obligado kami sa happy ending. Kaya kailangan ayusin talaga namin ang mga problema na ginawa namin.

Mahirap solusyunan ang problema lalo na kung mahirap itong i-solve sa tunay na buhay. Sometimes we need experience and maturity to answer questions. Iyan kasi ang paniniwala ko sa buhay. May mga kwento na kailangan ko palang maranasan o makita ang solusyon para ma-solve ko. Minsan research lang.

One of the most complicated stories that I wrote is Barely Heiresses: Amira. Hay naku! Iniiyakan ko siya sa hirap gawin at sa dami ng problema na ginawa ko, di ko alam paano sosolusyunan. Until one time, napanood ko sa isang documentary paano nila naayos ang problema sa mining sa ibang lugar gaya ng Canada at Malaysia.

  1. Wala kang maisip o sa dami ng ideas mo, di mo alam ano ang pipiliin.

Be creative. Wag madaliin ang ending. Ilista mo lahat ng gusto mong ending sa istorya saka ka mamili ng pinakamaganda.

Sa You're Still My Man ko na novel, hirap ako dati kung paano itutuloy o gagawan ng ending. Lumindol sa Bohol (na location ng kwento ko) kaya bigla akong nagka-idea sa gagawin ko na development sa kwento. One year bago lumindol ko isinulat at after ng lindol saka ko naayos ang kwento.

Ako ang writer na naniniwala sa Divine Intervention. Since nagsusulat ako with a purpose (feeling beauty queen), minsan di ko agad naitutuloy at natatapos ang kwento ko. Later on ko na nare-realize may mangyayari pa pala o may mae-experience ako bago ko maituloy. Samahan na rin ng dasal ang pagsusulat (if you really want it or kailangan n'yong magsulat).

There. Sana may naiambag ako kahit paano. Kung sa palagay ninyo ay nakatulong ito sa inyo, please upvote and share it to your friends. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 64921.79
ETH 3541.94
USDT 1.00
SBD 2.36