The Truth About Virgin Pregnancy

in #confession6 years ago (edited)

(For Revision)

Ang mga Pinoy ay dakilang tsismoso at tsismosa. Gusto natin nakiki-chika sa mga eskandalo at kung anu-anong tsismis. Isa sa source ng chika ng mga netizens ay ang mga confession. The other day, may dumaan sa wall ko na confession. "Im pregnant. But still a Virgin." ang title galing sa UP Secret Files.

"Yes. Tama ka ng pagkakabasa. Nabuntis ako nung 16yrs old. I never engaged into any sexual intercourse. How?

Lima kaming magkakapatid. Bunsong babae ako sa family namin. Si mom ay isang public school teacher. And si dad, isa syang pastor.

Respetado kami dito sa lugar namin. Kasi nga si dad pastor. Yung iba kong kuya graduate na. Yung isa magna yung isa suma. Ako naman with honors. Kaya alam kong proud yung parents namin sa amin. Kami yung family na may maipagmamalaki.

Never ako nakatry maginom. Magdisco. Manigarilyo. Ni hindi nga ako pinapayagan magouting kasama yung iba kong classmates e. 6pm palang dapat nasa bahay na kami pati mga kuya ko.

One time niyaya ako ng mga pinsan ko. Swimming daw. So si tita pinaalam ako sa parents ko at napapayag naman sila kasi nga pinsan naman. Actually di ko close yung mga pinsan ko. May pagkamaarte sila. Tsaka sanay sa luho.

So ayun na. Liguan na. Andun ako sa may sulok nung may biglang lumapit na anim na lalake. Di naman nila ko ginalawa naliligo lang din sila. Napansin kong tirik na yung araw kaya umahon na ko.

After 2weeks, nakaramdam ako ng pagkakahilo at pagsusuka. At nalaman kong buntis ako pero hindi ko alam kung paano. Di naman ako nalasing. Sa bahay lang naman ako palagi natutulog. Todo explain ako kila mom and dad pero ayaw nila ko paniwalaan na hindi ako nakipagsex. To the point na pinapalayas na ko. At itinatakwil ng pamilya ko. Naiisip ko na nga what if ipalaglag ko to? Pero may pumipigil sakin.

Tambay nalang ako sa kwarto. Pagtapos sa kusina dretso sa kwarto. Ganun lang. Until one day, pinasok ako nila mom at humingi sila ng sorry. 5months na akong buntis at sobrang saya ko na healthy si baby. Yung mga kapitbahay namin, kung makatingin akala mo ang laki ng kasalanan ko. Pero nasanay na din naman ako.

Nagpacheck up ako kasama ko parents ko. I ask Doc Reyes na posible pang mabuntis ng walang sexual intercourse? Sabi nya depende sa sitwasyon. Like, pag naligo ka sa public pools, dagat tapos may lalakeng nagmast*rbate at nilabasan, pwede dawng pumasok sa ari ng babae. Mas matagal mabuhay ang sperm cell kapag nasa tubig. Possible daw na makapasok to lalo kung maluwag yung suot mong pambaba.

At yun nga. Bigla kong naisip yung anim na lalaki na nagsilapit sa pwesto ko. At maluwag nga pala yung shorts na suot ko nun. Bakit ako pa? Bakit ako pa sa dinami rami ng pinsan ko? Nasira ang pangarap ko dahil sa di inaasahang pangyayari.

Kaya magiingat po kayo sa mga pool na pagliliguan nyo. Hanggang dito nalang po. Salamat!

Julia
Others
QC
UP Secret Files

Tumaas ang kilay ko, besh.Nag-panic kasi ang madla. Wala na daw maliligo sa pool kasi baka mabuntis. Hala siya! May bago bang discovery ang kung sinumang doktor na iyan ng sender para sabihin na mas madaling mabuntis sa pool?

Scientific fact: Kapag nasa labas ng katawan ng tao ang ang sperm cell, mas mahina na ito at mabilis mamatay. Lalo naman sa chlorinated na tubig. Maliban na lang kung alien o engkanto ang may-ari ng sperm cell o anumang aquatic animal na nagbubuga lang ng sperm cells at nagfe-fertilize. Isda ba ang nakabuntis sa sender?

Sana pala di na lang nilikha ang mga in vitro-fertilization at ang pagdo-donate ng sperm cell na kailangan pang ilagay sa test tube, I-freeze at magkaroon cryogenic clinics na mahal ang presyo samantalang libre naman magpa-inseminate sa pool.

Simpleng Google lang iyan di pa magawa. Opo, nasa Google ang sagot. Pwedeng mag-research, bes. Di ko alam kung matatawa ako o titirik ang mata sa mga nag-panic na mabuntis sa pool. Hahaha! Ayoko na! Baka ma-bash ako.

Tadaaaan! After ilang araw, lumabas na ang katotohanan. Umamin din ang sender na pinsan niya ang nakabuntis sa kanya. Inalis na rin ng UPSF ang naturang confession.

Okay. Di ako manghuhusga sa nangyari. What if the sender was confused? Paano kung na-rape siya? Malaking eskandalo pa rin ang kinasangkutan niya. Parang escape niya na lang ang confession para kunwari nag-immaculate concepcion siya. Sensitibo ang sitwasyon niya dahil resulta ng incest iyon. Sana kung anuman ang pinagdadaanan niya, masuportahana siya ng pamilya niya at maging maayos sila ng anak niya.

So, wala talagang super sperm. At higit sa lahat, KATARUNGAN PARA SA INOSENTENG SWIMMING POOL!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 64886.88
ETH 3516.64
USDT 1.00
SBD 2.37