To Married and wanted to get Married...

in #christian-trail7 years ago

Madalas bang magkaroon kayo ng pagtatalo, normal lang naman yun sa isang mag asawa. Pero paano nga ba magiging maayos ang pagsasama kahit na dumating kayo sa maraming problema?

Isa to sa mga nabasa ko sa "Hugot Lines" at nais ko rin na i share sa inyo. Malaki ang maitutulong nito sa buhay mag asawa at sa mga may balak na mag asawa...

So, ito yung mga inag Tips kung paano nyo gagawin...

  1. Pag galit asawa mo wag mong sasabayan. Kailangan isa lang ang galit, kung galit sya hayaan mo sya manahimik ka. Kapag kalmado na tska kayo mag usap at wag matutulog ng magkaaway.

  2. Self control. Kailangan matuto kang kontrolin ang sarili mo. Hindi pwedeng pag galit ka mananakit ka, magsasalita ng masama o susugod ka.

  3. Tanggpin mo kung ano ang asawa mo, pinili mo yan ginusto mo yan, kung anong pangit tanggapin mo, magtiis ka.

  4. Pag may problema, pag usapan nyong dalawa, ng pamilya, hindi ng kapitbahay. At wag kayong magsisigawan

  5. Pag galit sya, marami yang masasabing masasamang salita, wag mo dibdibin isipin mo galit lng sya, ang taong galit wala namang yang sasabihing maganda hindi ka nyan pupurihin, galit sya eh. Gawin mo pasok kanan tainga labas sa kaliwang tainga.

  6. Laging yakapin ang asawa at mga anak, nakakaluwag daw yan ng dibdib nakakagamot ng sama ng loob, nakakaluwag ng problema.

  7. Appreciate mo ang asawa mo, kung pogi/maganda sya sabihin mo ang pogi/ganda nya, ang bango nya, wag mo pagdudahan na kaya sya nagpapapogi/nagpapaganda dahil sa iba, mas dapat ikaw ang unang maka appreciate nun sa knya.

  8. Pinakamahalaga ang respect at tiwala kaysa sa love.

  9. Maging kaibigan ang asawa.

  10. Open Communication dapat lagi kayong nag uusap, dapat binabalikan nyo ung mga nakaraan nung nagliligawan pa lang kayo, dapat nag de-date pa rin kayo, hanggat maari walang kasamang anak. Pinag uusapan ang problema hindi pinag aawayan.

Masarap na ang asawa mo mismo ang kabarkada mo, at sana na enlighten tayo sa simpleng Tips na to...

Hanggang sa muli...

Your Brother in Christ
Manzon

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 69450.75
ETH 3678.92
USDT 1.00
SBD 3.81