Naniniwala ka ba na sa sipag at tyaga yayaman na ang tao ?

BASAHIN: Naniniwala ka ba na sa sipag at tyaga yayaman na ang tao ?

Noong bata ako, lagi ko naririnig sa commercial sa TV na ang "SIPAG AT TYAGA" daw ang kailangan para umasenso. So, na-curious po ako kasi naisip ko po na sa sipag at tiyaga lang pala yayayaman ang tao, Pero habang tumatanda ako, MALI pala ang naisip ko..

Paano ko nasabi ?

Kung sa sipag at tiyaga yayaman ang tao, di sana marami na pong mayaman ngayon. Tanong , may kakilala ka po ba na nagtitinda nang balot at mani sa gabi? Masipag po sila di ba? Kasi hapon palang , nasa pwesto na sila .. Matiyaga din po ba sila? YES! matiyaga po sila kasi inaabot po ang pagtitinda nila nang madaling araw, miski konti nalang ang taong bumibili sa kanila .. Hindi pa po sila nauwi dahil gusto nila maubos ang tinda nila.. Tanong,mayaman ba sila? Reality is HINDI.. Pero masipag at matiyaga sila di ba?

Isa pang example,Nagtitinda ng tubig,mani, chicharon sa bus, Masipag din ba sila? Yes! Masipag sila, kasi umaga palang gising na sila para magtinda, Matyaga rin ba sila? Aba Syempre, imagine, inaabot sila magdamag sa kakalipat lipat ng bus na sasampahan nila para magtinda, Pero mayaman ba sila? HINDI.


soure of the image

Empleyado ng kumpanya? Masipag din sila?
Opo, masipag sila kasi maaga palang gising na sila, Syempre matiyaga din sila kasi inaabot nang ilang oras ang pasok nila, nag overtime pa nga po sila eh, Pero mayaman din ba sila? Depende base sa natapos nila, pero marami ang hindi nakatapos sa mga exclusive schools kaya ang reality ay HINDI.


source of the image

Eh ang OFW? Masipag at matiyaga din ba sila?
yes ! imagine how many years sila nagtitiis at nag tiyaga sa ibang bansa para kumita ng pera. Tanong, mayaman din ba sila? Dipende kung maganda ang work at nakatapos sila nang pag aaral sa exclusive school but , reality sake maraming OFW ang hindi na katapos ng pag aaral kaya marami sakanila, ang buhay nila ay hindi umaangat or yumaman, Pero masipag at matiyaga din sila. Tama?


source of the image

Now, nakikita mo ba ang problema kung bakit hindi sa sipag at tiyaga yayaman ang tao?
Kung Hindi mo Alam kung ano ang sagot don't worry , sabihin ko Sayo kung ano ang dahilan kung bakit marami ang hindi nayaman..

Ano ba ang dahilan ?

Ito ay walang iba kundi ang kanilang MINDSET!
Yes ! Sa Mindsets or vision nang tao kung pano yayaman ang tao..
Pano ko nasabi na Mindset? Kung ikaw ang mindset mo ay magtinda nang tubig, balot, Mami magdamag ? Yayayaman ka ba ?
Kung ikaw ang mindset mo ay magtrabaho at maging ofw habang buhay , yayaman ka ba?
Ang Sagot . HINDI.

BAKIT?

Kasi doon lang naka pokus ang isip mo sa pagtitinda at pagtatrabaho , pero kung ang mindset mo ay gagawa ka nang ibang paraan para ikaw ay yumaman ,
Posibleng bang yumaman ka ?
Yes . Posible ! basta yun mga steps na gagawin mo ay siguraduhin mong mapapalapit ka sa mga dreams and goals mo sa buhay. Paano nga ba ang mga paraan para magkaroon ka nang proper mindsets ?

1. Think Positive.
Laging mong isipin ang mga masasayang araw at bagay na nangyayari sa buhay mo. Always keep moving forward and Always Smile.

2. Throw away your Pride.
Yes! Kailangan lagi kang magpakumbaba, Alisin mo ang pride at doubt sa sarili mo. Dahil kapag Hindi mo inalis ang pride at doubt mo, Maiistock ka.. Kailangan Alisin ang inggit or selfishness para makapag function nang maayos ang brain and body mo.

3. Get out to Your COMFORT ZONE.
Kung ang comfort zone mo ay mag isip nang mag isip nang problema , umalis ka diyan . hindi makakatulong Sayo yan. Iwasan mo na rin ang manuod at Makinig nang mga negative news iwasan din magbasa or mag post ng mga negative. Don't Waste Your time ! Stop Procrastination!
Iwasan.mo na rin ang mamaya na habit .
Kung kaya mo ng gawin ngayon. Gawin mo na!

4. Set Your Goals .
Lahat nang mga tao ay may goals na nagagawa araw araw, goals for eat. Goals for work . goals go to gym etc. Pero ang mag set nang goal para matupad ang mga pangarap , ay Wala sila.
You need to write all of your dreams and goals in life and take MASSIVE ACTIONS para magkaroon ka rin nang Massive Results.

5. Be Open Minded.
Dapat open minded ka sa lahat ng opportunity na dumarating sa buhay mo.
Kung gusto mo nang pagbabago or matupad ang mga pangarap mo..
Kelangan mo magdagdag sa ginagawa mo para may mangyaring bago sa
buhay mo at para mas mapalapit ka sa mga dreams and goals mo.

So , lahat ng ito ay ang mga sample at simpleng paraan para ma-change mo ang mindset mo, para magkaroon ka ng massive results sa pag tupad nang mga pangarap mo..

28.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66239.71
ETH 3448.83
USDT 1.00
SBD 2.61