The Diary Game Season 3 (10-02-21) | Pagdesinyo Ng Aming Susuotin Para Sa Aming Prenuptial Pictorial

in Steemit Philippines3 years ago

20% of payout para kay @steemitphcurator
Magandang araw sa ating lahat!

Ngayong araw na ito ay nagpaplano kami ng aking partner na magandang desinyo ng aming susuotin para sa aming prenuptial pictorial.Kagaya ng ibang couples bago ito kinakasal ay mayroon muna itong prenuptial pictorial. At dahil malapit na ang araw ng aming kasal ay nagsisimula na kaming magplano sa mga dapat asikasohin bago ang aming kasal. Ang aming kasal ay gaganapin sa Hall of Justice of Talisay City, Cebu at ito ay Civil Wedding. Pero kahit ito ay Civil Wedding ay nais pa rin namin magkaroon ng Prenuptial pictorial.
Una, tinalakay ko muna sa aking partner ang gusto kong tema at ganoon din sya sa akin. Napagdesisyonan namin na magsusuot kaming dalawa ng polo shirt na puti. At para sa kanyang design ay sa front ang logo ng Integrated Institute of Electrical Engineer o IIEE at sa likuran naman ay may tatak na Electrical Engineer na may hardhat, steeltape, pencil, plano at iba pang gamit ng Engr.

received_1018446995663977.webp

Para naman sa design ng aking polo shirt ay sa front may logo ng Philippine Institute of Civil Engineer o PICE at sa likuran naman ay may tatak na Civil Engineer na may hardhat, steeltape, pencil, plano at iba pang gamit ng Engr. kagaya ng aking partner.

received_212004974204872.webp

At dahil may anak na kami, nais namin itong isali sa aming pictorial. At para sa aming 9 months old baby girl ang kanyang susuotin ay onesie na puti, ang design sa likuran ay may larawan ng construction site at ang harapan naman ay may accomplished na sulat. Bilang isang engr, sa trabaho namin ay palagi kami hahanapan or gagawa kami ng accomplishment namin araw araw. Kaya ang na accomplished na namin sa aming pagsasama ay si baby. Hahaha 😆😅

received_648721692776271.webp

Natapos din namin ang gusto naming design. Nakapag inquire na din ako sa marunong mag print ng susuotin namin. Yung bibilhin ko nalang is yung plain na white polo shirt at onesie ni baby para mahatid na namin sa magprint nito. Sana maging successful yung pictorial namin gaya nitong iba na nakikita ko. Medyo iba lang samin kasi kasama si baby. 😄

3fc740bcadb47d7576376b99877362d6--makati-under-construction.jpgImage Source

Sa susunod kong blog ay eshare ko din sa inyu ang aming prenup soon. Yan lang po muna sa ngayon.

Hanggang dito nalang muna. Maraming Salamat sa iyong pagbisita at pagbabasa ng aking diary today.

Iniimbihan ko sina @juvzkie07, @caicaicai, @moonlight-shadow na sumali sa contest ng diary game.

Maraming Salamat at May God bless us always!

@zoe21

Sort:  
 3 years ago 

wow! Congrats in advance dam...

 3 years ago 

Thank you mam @kyrie1234 😄

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Thank you din po. God bless 😊

 3 years ago 

C O N G R A T U L A T I O N S po sa inyo! Napaisip tuloy ako kung dapat ba magsuot din kami nito. Parehas kaming nasa DepEd ng fiancee ko.

 3 years ago 

Go na sir @christianyocte. Hehe pwede dalawa yung set na susuotin, yung isa para sa proffesion nyo tapos yung isa naka dress ang girl at naka longsleeve ka 😄

 3 years ago 

hehhe thank you for the tips. pero parang di namin gusto dalawa.

 3 years ago 

woww.. congrats maam 😊

 3 years ago 

Thank you mam @moonlight-shadow. Hehe

 3 years ago 

Congrats po maam sa nalalapit ninyo na kasal!

The prenuptial photo shoot plans reminded me of our photoshoot 11 years ago. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63219.83
ETH 2574.36
USDT 1.00
SBD 2.78