TULA: Eleksiyon 2022 - Nilamon na ng Sistema

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Picsart_22-02-22_06-34-38-117.jpg

photo designed via canva.com




Akoy napaibig at napaisip na rin
Sa next na tulang aking susulatin
Napili koy napapanahong talakayin
Halika't sabay natin itong himayin


Handa ka na ga sa darating na halalan
Ikaw gay excited at tu ong kinakabahan
Isa ka ba sa mga politkong makikipaglaban?
O botanteng naghahanda ng kanyang listahan?


Ang eleksiyon 2022'y sadyang kay ingay
Bawat partidoy may kanya kanyang kulay
Wari koy kaydami na ding nagaaway-away
Nalimutan nang bumalik sa tunay na buhay


Lahat tayo ay mayroong kalayaan
Sadyang kanya kanya ng karapatan
Pero wag naman nating kakaligtaan
Na mainam pa rin ang pagkakaunawaan


Isa sa napansin ko'y ang social media
Talaga namang kaylaki ng epekto niya
Sa paghukay ng ibang issue'ng inaamag na
Anu nga ba ang patunay na tunay lahat sila


Tungkol sa resulta ng ating boto't desisyon
Kahit sino pa ang manalo sa anumang posisyon
Kung meron pa ring mga ayaw at nasa oposisyon
Aba'y wag na nating asaming Pilipinas ay aahon


Dumako tayo sa kunwaring bukas o hinaharap
Mga bagay na pang ekonomiyang nais malasap
Maaabot na ba ang murang bilihin sa merkado?
Gayundin ang pag angat ng piso't taas ng sweldo?


Sa tingin mo ba'y matatapos na ang kahirapan?
Pati problema sa droga ay tuluyang mawawakasan?
Wala na bang pamilynag magtitiis at magugutuman?
Lahat kaya ng bata'y makakatuntong na sa paaralan?


Kayraming mga bagay ang dapat pakalimiin
Ang iba'y teknikal na at kayhirap isipin
Pero ito'y mahalaga sa kinabukasan natin
Lalo na sa mga henerasyong susunod sa atin


Kaya naman ang payo nang may akdang kayganda
Wag tayong magpalamon sa sistema ng politika
Subukan nating sa mga puso't gawa'y magkaisa
Panatilihing panalangin ang matibay na sandata


Hanggang sa muli...

image0.png

Sort:  
 2 years ago (edited)

I supposed to recommend this kaya lang dapat club5050 ka, please power up once in a while para mag qualify ka sa club5050, tnx!

#Club5050 (30 days)
Earned Reward:
0.188 STEEM
Power Up Target (est):
0.094 STEEM
Powered Up Total:
0.000 STEEM
Not eligible. Progress: 0.00 %

Try to power up 1 steem, baka magqualify ka na at ma recommend namin posts mo. Tnx!

 2 years ago 

Wag mag Padala sa Pera Ng politiko...

 2 years ago 

tama ka jan ate

 2 years ago 

sa true po ate. Thanks much for stoppin' by ate :*

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63754.85
ETH 3055.95
USDT 1.00
SBD 3.85