DSWD : Puso ng Gobyerno

in #philippines7 years ago (edited)

Ibat iba ang klase ng tao sa mundong ating ginagalawan , may nakakaangat at merong nasa laylayan. Mayroon din tayong iba't ibang pangangailangan na minsan ay hindi naten matugunan. Pero mayroong mga mabubuting tao na lageng handang tumulong at magbigay ng kanilang serbisyo sa publiko.

Yan ang DSWD

photo source

Ang DSWD o Department of Social and Welfare Development ay isang sangay ng gobyerno na nagbibigay ng libreng tulong sa mga taong nangangailangan sa iba't ibang bahagi ng bansa

Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang mga tulong na ibinibigay ng DSWD at mga benepisyong maaaring maging kapaki- pakinabang para sa lahat

4P's (Pantawid Pamilyang Pilipino Program)

Ito ay isang programa ng gobyerno na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pinansyal, kung saan layon nitong tulungan ang mga mahihirap na mamamayan ng lipunan partikular para sa edukasyon ng mga batang edad 0-14. Isang survey ang isinasagawa ng National Statistical Coordination Board para malamn kung sino ang mga maaring makasali, pagkatapos nito ay bibigyan ng petsa ang mga taong napabilang kung kailan nila maaring kuhanin ang benipisyong pinansyal. ito ay depende sa dami ng anak , pero ang makukuha ng bawat pamilya ay ₱500 kada isang anak.

Benipisyo Para sa mga Senior Citizen

Ang mga mamamyang edad 60 pataas ay maaring makakuha ng halagang ₱6,000 kada taon , pero ito ay hinahati hati per quarter , kaya ang makukuha nila ay nasa halagang ₱1500 quarterly , kailanhan lamang nilang pumunta sa opisina ng DSWD sa kanilang munisipyo at iaassist na sila ng mga kawani doon para sa pag fill out ng form at para magkaroon ng Senior Citizens ID

PMC ( Pre- Marriage Counseling)

Ang benepisyong ito ay para sa mga magkasintahan na magpapaksal na , nagbibigay ang DSWD ng tulong una , sa pag fill out ng mga form para sa mga katanungan na gagamitin sa seminar at counseling na kanila ding isinasagawa, ito ay para sa mga paalala kung anu ang tamang pagpapamilya at maayos na pagsasama ng magasawa, isa na dito ay ang tamang Family planning , ginagawa din ito para makakuha sila ng Marriage Certificate

SOLO PARENT ID

Ang mga magulang na nagiisang nagpapalaki sa kanilang anak o mga anak , ay maaring makakuha ng ID sa opisina ng DSWD . And ID na ito ay maaring gamitin upang magamit ang 7 araw na bakasyon mula sa trabaho para makasama at magkaroon ng mas maraming panahon sa anak. Ang kailangan lamang gawin ay magfill out ng form , magpasa ng 1x1 id picture .at certification mula sa Barangay na ikaw ay dun naninirahan , pagkatapos non ay makukuah na ang ID.

PWD ID

Ang mga PWD ( Person with Disability ) ay maari ring makakuha ng ID sa opisina ng Dswd, Kailangan lamang magdala ng Barangay Certification, isang 1x1 id picture. And id na ito ay maaring gamitin para maclaim ang benepisyo ng PWD at para sa mga discounts.

RELIEF GOODS

Ang DSWD ay nagbibigay ng mga relief goods sa mga taong nasalanta ng mga kalamidaf o anumang sakuna , Libreng tubig , pagkain , mga damit , at mga kagamitan na matutulugan.

Ang aking ina ay isang kawani ng DSWD at talagang akoy saludo sa kanya , minsan kahit Sabado at Linggo ay nasa opisina siya para magbigay serbisyo at tulong sa publiko
Lalo na sa panahong may bagyo o sakuna , magdamag silang walang tulog upang ayusin ang mga relief goods at ipamahagi ito s aibat ibang lugar.

Masasabi kong ang DSWD ay ang puso ng Gobyerno , Sila ang mga mangagawang 70% serbisyo publiko , 20 % para sa sweldo at 10 % para sa career . Ang puso ng mga tao sa loob ng sangay ng gobyernong ito ay nakalaan para sa mga taong nangangailangan kaya nararapat din na silay mabigyan ng mas mataas na sweldo

DSWD , Puso ng Gobyerno!!!

Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful
vote him as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments

Also our very own @precise , a very kind person and inspiration to everyone.
vote him as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

I really know how DSWD helped people in a way they are fixing their lives and making them a better person.

so true sis, tha ks for dropping by

sa solo id ba sis pag nag apply ka, iniinterview din? like kung may bf? kung bakit single parent etc? then paano kung in a year or so makapag asawa?

oo ata sis may interview e di sabihin mo na lang single ka kasi hiwalay kayo ng ama ni baby mo. keri lang yun sis

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 67328.17
ETH 2602.99
USDT 1.00
SBD 2.67