Tula Tungkol Sa Pagmamahal

in #pilipinas7 years ago (edited)

Usung-uso talaga ang paligsahan noon sa aming paaralan sa pagsulat ng tula kaya halos lahat nang okasyon ay mayroon. Tulad na lamang ng para sa buwan ng mga puso. Ito ay sa buwan ng Pebrero. Malayo pa muli ang buwan ng mga puso ngunit ikinasisiya kong ibahagi sa inyo ang isang maikling tula na isinulat ko ukol rito.

Simpleng tulang isinulat ko patungkol sa aking sariling pagkaka unawa sa salitang pagmamahal. Ang pagmamahal ay mayroong maraming paglalarawan at ang tao'y may iba't ibang pananaw ukol sa salitang ito.

PhotoGrid_1503101067897.jpg

Pagmamahal: Pag-ibig

Pag-ibig mo na nais ipukol kaninuman
Matatawag na pagmamahal na pinahahalagahan
Ialay, ibigay at panghawakan
At huwag na sanang pakawalan kahit kailanman

Ngunit pag-big sa ating sarili
Ang tunay na mahalaga at walang ipagsisisi
Ngunit ibang tao sa puso'y pwedeng isali
Na iyong iniingatan at itinatangi

Pagmamahal ay nararapat iukol sa magulang
Sa puso'y dapat sa kanila'y may puwang
Iyong pinupuri at iginagalang
Sapagkat ika'y minahal mula ng pagkasilang

Lahat ng pag-ibig ay mahalaga
Lalo na ang pag-ibig na may paghanga
Pagsunod sa tama at mabuti iyang gawa
Siya'y ang Diyos na lumikha at may pusong dakila

IMG_20170724_133839.jpg

Sort:  

Napakalalim po at napakagaling ng paglalathala sa wikang Pilipino.

Maraming salamat. Sa ating sariling wika po. :)

hahaha ang fail ko magTagalog, edited lol

Nosebleed alert @bearone! Lol.

Galing galing @zararina! Ilang taon ka nung sinulat mo yan? Wooh kalalim na Filipino muntik nako di makaahon haha

Salamat sa papuri. Disisais. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67388.31
ETH 3311.98
USDT 1.00
SBD 2.74