Literaturang Filipino: Maisasalba Pa Ba?

Marami sa ating mga pilipino ang talaga namang iniingatan ang salitang "pag-aasawa" at "pagpapa-kasal". Masasabi mong mayroon kang isang buong pamilya kung kayong mag-asawa ay hindi magkahiwalay. Ngunit paano mo pa ba maisasalba ang isang pagmamahalan kung alam wala na nga.

Loisa!
Loisa ang aking pangalan. Ako ay nag- asawa sa idad na bente at nagkaroon na ng isang anak na lalaki. Masasabi kong napakasaya ng pamilyang binubuo naming mag-asawa. Nagpa-planong gumawa ng malaking bahay sa isang tahimik na lugar. Nangarap pa nga kami na sana ay malapit sa karagatan. Preskong hangin, maaliwalas at higit sa lahat tahimik. Simple lang ang buhay na pinapangarap ko. Maging masaya at buo lang ang pamilya ko ay okay na.

Ang asawa ko nagtatrabaho sa syudad bilang isang printer ng mga t-shirt. Masasabi kong malakas ang kinikita ng asawa ko dahil panay ang overtime niya sa trabaho at libo-libo ang mga t-shirt na piniprintahan nila lalo pa't eleksyon sa mga panahong ito. Kung umuwi ang asawa ko ay halos mag aalas-dyes na. Di na rin ako nagtataka at nagtatanong dahil alam kong pagod siya.
Pagdating na pagdating niya ay agad ko siyang pinaghahain ng pagkain, mamasahehin at saka mangungumusta. Palaging ganoon, masaya lang kami. Parang walang problema.

Ang larawan ay kuha sa pixabay


Pero....

Isang araw, bigla nalang nag bago ang lahat. Umuwi ang asawa kong lasing. Di ko alam kung ano ang kanyang problema! Tinanong ko siya kung bakit, ngunit sampal ang inabot ko sa kanya!

Napaluha na lamang ako! Di ko inakala na masasaktan niya ako ng ganoon! Tinanong ko siyang muli kung "bakit niya nagawa sakin yon"

"Pagod na ako! Pagod na ako sa araw-araw! Ni wala ka man lang ginagawa para guminhawa naman kahit papano ang buhay natin! Palagi na lang ako! Di mo ako tinutulungan!"

Yan lahat ang nasambit ng aking asawa. Nanliit ako sa sarili ko. Sinusumbatan na ako ng aking asawa! Yan na ang simula na naging malabo na ang pag-sasama namin. Lagi na siyang lasing pag umuuwi.

Lagi ko na rin siyang nasisigawan. Hindi na rin niya ako binibigyan ng pera na panggastos namin ng baby sa araw-araw. Pinagdadamutan na ako ng aking asawa.

At hindi lang basta sama ng loob ang binibigay niya sa akin, kundi sa tuwing lasing siya ay binubugbug niya ako! Sobra na akong nasasaktan sa kamay ng aking asawa. Hindi ko siya magawang iwan dahil sa mahal na mahal ko siya. Nagkaroon na ng lamat ang aming pagsasama. Nalaman ko na rin isang araw na mayroon siyang bago kinakalantiri.
May babae ang aking asawa at nalaman ko yon dahil sa isa niyang kasamahan sa trabaho.



Pinagkuhanan ng larawan



Kinompronta ko siya! At inamin naman niya ang totoo.. Muli ko siyang tinanong kung bakit! At alam mo kung anong isinagot niya????

Paanong di kita ipagpapalit? Tingnan mo naman ang sarili mo! Ni hindi ka man lang makapag-suklay! At ang amoy mo?? Ang baho-baho mo! Di kaman lang makapag-ligo! Umalis ka nga sa harapan ko! Losyang!!!

Sobrang sakit! Oo! Ang asawa ko ay biglang nagbago. Minsan naisip ko ng magpakamatay ngunit naiisip ko ang aking anak. Maliit pa lamang ang anak ko at alam ko na hindi siya aalagaan ng aking asawa!

Naisipan ko na ring makipaghiwalay sa kanya ngunit natatakot ako sa sasabihin ng iba, na walang ama ang aking anak.
Sa ngayon ay nakikisama pa rin ako sa aking asawa. Kahit na lagi niya akong sinasaktan ay wala akong magagawa.
Kahit magkasama kami ay unti-unti hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal sa kanya.

Tanga na nga ako, kasi hinahayaan ko na saktan ako para lang hindi masira ang aming pamilya. May pag-asa pa kayang maibalik sa dati ang masaya naming pag-sasama? Patuloy pa rin akong umaasa na magbabago siya at muling aapoy ang aming pagmamahalan. Ngunit hanggang kailan?

Hanggang kailan ako maghihintay!



Pinagkuhanan ng larawan


Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay. Ang mga pangalan na nabanggit ay alyas lamang. Kaibigan ko ang nakakaranas ng mga sitwasyong iyan. Naawa ako sa kanya dahil di ko siya matulungan. Ang tanging alam ko lamang ay payuhan siya. Ang tanging sabi niya lamang sa akin ay" Hanggat kaya ko pang maisalba ang aming pamilya ay kakayanin ko pa". Naawa na ako sa kanya ngunit wala akong magagawa.

Nawa ay nagustuhan niyo po ang aking kwento, at maraming salamat po.

Sort:  

hala si Alyana! grabe talaga si Kardo.


Kidding aside nako sana naman magka ayos ang dalawa at magising na si Loisa sa nangyayari. Kung hindi man e magbago na si mister nya.

ewan ko nga tp.. sana lang magising na siya sa katotohanan!! lasenggero kasi at babaero tlaga un eh!! :( akala nagbago na.. yun pala pag ugali na talaga eh bumabalik..

Gigising din yan tiwala lang at dasal dasal.

Pag lasinggero at babaero iwanan na mag move on at magwork para sa anak imbis anak lng asikasuhin nya my asawa pa na wala namn kwenta..kayanin nya yan..kesa mag tiis habang buhay sa ganyan hindi rin masaya ang anak mgkasama nga binobogbog at hindi naman maaus ang trato sa kanya nakikita un ng anak ang ginagawa nya kaya pakawalan nya na at anak na lng ang asikasuhin gaganda pa xa

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63665.23
ETH 2621.19
USDT 1.00
SBD 2.77