Siyang hindi na sinikatan ng araw - IKa-apat na Bahagi

in #philippines7 years ago


Souce

Hindi pala ako masaya. Hindi pala ito masaya! Ang dating masayang tahanan natin ay isa na lamang bahay. Isang gusali na kung saan narito lang tayo para magpahinga, matulog at magkaroon ng isang lugar na tutuluyan sa gabi at tag-ulan.

Ang ingay ng ating hagikhikan ay napalitan ng katahimikan.

Tama, pagkabukas na pagkabukas ng iyong silid hihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa ko. Sa mga panahong panay sakit lang ang binigay ko sa iyo, sa bawat pagkukwento mo na hindi ko pinakinggan, sa lahat, salahat ng bagay. Sana hindi pa huli ang lahat at ang naiisip ko ay hindi sana totoo.

Nakita ko din sa wakas ang susi ng iyong silid! Mula sa tambak ng mga larawan at mga alaala na aking tinago at kinalimutan.

Hindi ko man aminin, parang nahihiya ako kay Berto sa tuwing papasok siya sa aking silid, puno ito ng mga alaala natin na ayaw kong makita niya kaya't ang lahat ng iyong larawan at bagay na nagpapa alala sa atin ay aking itinago.

Nilakad ko ang daan papunta sa iyong silid, ang bawat hakbang ay parang napakabigat at napaka bagal. Iba ito sa paglalakad ko noong mga nakaraang araw. Parang napakalayo ng iyong kwarto ngunit hindi naman talaga sa totoo.

Sa wakas nasa harap na ako ng iyong pintuan, kinakabahan parin ako. Nagkapalit na ang posisyon natin. Nakakatawa lang kasi noong mga nakaraang araw ganitong ganito tayo.

Ikaw ang nasa may pintuan ng aking kwarto, nagtatanong kung kumain na ako at nag-aaya ng kwentuhan pero ako nakahiga sa aking kama kaharap ang cellphone at nakikipag telebabad kay Berto.

Nahihiya na ako ngayon sa iyo. Iyon din ang dahilan kung bakit di ko na napansin ang iyong pagdating kagabi. Pero handa na akong tanggapin ang lahat. Kahit magalit ka, saktan mo ako, murahin mo ako tatanggapin ko iyon. Kung sabihin mong ipalaglag ko ang batang nasa aking sinapupunan gagawin ko mapatawad mo lang ako sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo.

Ipinasok ko ang susi sa lock ng pinto at unti-unti kong binuksan ang iyong silid. Laking takot ko nung nakita na mayroong dugo sa sahig.

Sort:  

Hello, you received a boost courtesy of @steemdunk! Steem Dunk is an automated curation platform that is easy and free for use by everyone. Need a boost? Click me

Upvote this comment to support the bot and increase your future rewards!

Kababayan nakaka nosebleed 😀 astig mo 😀 looking forward to another awesome piece.

Maraming salamat sa pag daan dito sa munting kwento. Part 4 na sya bukas ang ending nya sana ay subaybayan mo ulit 😇

Ang galing! Spoken poetry?

Maiksing kwento siya Lei pero parang spoken poetry nadeliver.

May 3 parts pa sya before this and bukas tatapusin ko na ang kwento nya.

Salamat sa pagbasa 😇

Ang ganda! Pde ka pala sa mga gig ni Gege( Miguel Severo) :)

Nako.. haha Lei pang matindihan na yung mga yun. Gaya ni Dex online extrovert ako. So malamang pang online gigs lang tayo 😂

Naka apat ka na ang alamat ni berto hehehe

Naka apat na at merong pang finale ngayon. I just posted the final part of the piece hope na magdrop by ka din :)

You got a 1.77% upvote from @upme requested by: @tpkidkai.
Send at least 1.5 SBD to @upme with a post link in the memo field to receive upvote next round.
To support our activity, please vote for my master @suggeelson, as a STEEM Witness

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 68356.90
ETH 2509.71
USDT 1.00
SBD 2.53