B I T U I N | Original poem

in #steemgigs7 years ago

Isa kang bituin, hindi yung ordinaryo..
Bagkus yung pinakamaningning..
Kasing kinang mo aking mga mata,
Sa tuwing nasisilayan ka..
Sa dilim ng gabi nag sisilbi kang lampara..
Saya yung dulot mo..
Marahil isa ka sa pinakamagandang elemento ng aking mundo.

Ang sarap mong tignan..
Bumubusilak, kumikinang..
Subalit dumating ang makapal na ulap,
Madilim, at lalong pang dumidilim yaong alapaap..
Unti unti kang sa paningin nawawala..
Unti unti kang naglalaho.. Lumalayo..
Kinang sa mata, tila ba lumalabo..
Gaya ng kung gaano kalabo..
Mabaling sakin iyong pagtingin..
Katotohanang malabong maging ako..
Dahilan ng yong ningning..

Yung dating hatid mong ngiting matamis,
Napalitan na ng hapis..
Pagkat tuluyan ka ng lumisan..
Pangako mo sakin pinili mong bitawan..
Pangakong sa tabi mo mananatili ako,
Unti unti mong tinatalikuran..
Samantalang ako.. Heto!
Gabi gabing nag aabang sa muli mong pagkinang..
Gabi gabing nakatingala roon sa alapaap..
Inaantay muli mong pagkutitap.
Baka sakaling muli kang sumulyap..
Sa alaala nating dalawa..
Sa sayang dulot ng ating pagsasama..
Baka sakaling sa muli kong pagdalaw..
Dun sa lugar kung saan ka bumitaw..
Malabo ay maging malinaw..
Baka sakaling sa muli kong pagbalik sa nakaraan.
Ngiti mo muli kong masilayan.

Nakakapagod na.
Nakakangawit tumingala.
Ngunit patuloy akong umaasa..
Sa gabing muli kang makikita..
Pagkat ilang ulit man akong pinuhin..
Ilang ulit mo mang saktan aking damdamin..
Nanatili kang paborito kong bituin,
Pagkat hindi ka ordinaryo, sa mata ko ikaw yaong pinakamaningning..
Kahit alam kong kahit kelan di kita kayang abutin..
Malayo man, mananatiling iyo aking pagtingin..
Titingala.. Mangawit man at di ka maangkin..
Hindi man ako dahilan ng iyong nining...
pagbida ko sa langit mo kaibigan..
Patuloy ko pa ring ipapanalangin..

Please Follow me on facebook

https://www.facebook.com/holandabernadette/posts/781589592009520

https://www.facebook.com/bernadette.holanda.9

photos from: https://heysnowyowl.tumblr.com/

Sort:  

"Katotohanang malabong maging ako..
Dahilan ng yong ningning.." tagos eh! haha

like it kabayan.. ",

Thank you so much po! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 61952.36
ETH 2417.96
USDT 1.00
SBD 2.64