ANO ANG STEEMIT.COM? Ang Opisyal at Kumpletong FAQs na may mga GIFs para masiyahan sa pag-basa.--A Filipino Version of Steemit FAQs with some Personal Insights.

in #steemit-faq7 years ago

I would like to extend my deepest gratitude to Miss Stella(@stellabelle) for allowing me to translate her every post that I find very useful if shared to our community, Filipino Community. Here's the original post she wrote-
WHAT IS STEEMIT.COM? The Official FAQ Complete With GIFs To Make It Less Boring To Read. It was stated in that post that she, @stellabella copied and pasted the FAQ from official steemit.com sidebar. She also exclaimed that there are many steemians especially newcomers who did not bother reading it. Many users kept asking her the same questions everyday and I think it goes the same with the Filipino Community, as I have experienced that also.

Gusto kong lang mai-abot itong pinakamalalim kong pasasalamat kai Miss Stella (@stellabelle) dahil sa pagpayag sa akin na isalin ko at i-post ang mga artikulo niyang ginawa na sa tingin ko ay makakatulong kapag naibahagi sa kumunidad ng mga Filipino. Nakasaad sa arikulo na yun na kinopya and inidikit ang mga kadalasang katanungan tungkol sa steemit.com. Sinabi rin niya na maraming bagong steemians na hindi binabasa ang artikulo na ito dahil maraminh nagtatanong sa kanya tungkol dito na araw-araw niyang natatanggap. Sa tingin ko ay pareho ito sa kumunidad ng mga Filipino na naranasan ko rin.

Part of being a PhCurator chosen by some awesome steemians and part of my contribution here on steemit is to encourage the Filipino Community to write posts in our own national language, Filipino. I have been working on it in the past days or weeks. Now, I am currently contacting steemit veterans to ask for permission to translate and post their articles that provide deeper knowledge about the platform, how to improve one-self's writing, and many more. In addition to that, for me, it's truely essential and beneficial to others and to the steemit.com that every community contributes what it can give or show that makes the entire system diversified and welcoming to every new non-english community.

Parte ng pagiging PhCurator ko at parte ng mga gusto kong mai-ambag sa steemit ay ang paghikayat ng mga Pilipinong steemians na magsulat na gamit ang aming pambansang linggwahe, ang Filipino. Sa mga nagdaan na araw at linggo ay ginagawa ko ang inisyatiba na iyan. At ngayon, marami akong nilapitan na mga beteranong steemians na maisalin ang kaning mga gawa na nagbibigay impormasyon tungkol sa steemit, pagunlad sa kakayahan sa pagsulat at marami pang iba na makakatulong. Para sa akin, tunay na esensyal at mabenepisyo sa ibang steemians at sa steemit.com na ang bawat kumunidad ay maibahagi ang kanilng gusto at kayang maibahagi para ang sa pangkalahatang sistema ng steemit ay magiging kakaiba at handang tumanggap ng kaibahan para sa mga steemian o kumunidad na hindi ingles ang unang linggwahe.

I think my next post will be geared towards people who want to earn but who are not good writers.....stay tuned.
© @stellabelle

That includes myself and some steemians I know. I am not as good as some steemians out there in terms of writing--that's a fact I humbly accepted. But hey! I am here to improve myself and not just to show what I can ordinarily show to everyone reading and steeming. I can motivate others that though we are non-english steemians who's writing is below average, we can be steemians in our own way because steemit is for all.

Kabilang na ako diyan at sa mga nakilala ko. Hindi ako magaling katulad ng ibang steemian sa abilidad sa pagsusulat. Isang katotohanang tinanggap ko ng buo. Pero! Nandito ako para maiunlad ko ang aking sarili sa anumang aspeto at hindi lang sa kung ano ang kayang kong maipakita na ordinaryo sa ibang steemian. Kaya kong magbigay inspirasyon para sa ibang hindi magaling sa pagsulat ng ingles o sa mga steemian na mababa pa sa average ang pasusulat ng ingles. Kaya nating maging steemians sa paraan natin dahil ang steemit ay para sa lahat.


Kaya ito na.

Ang pahina ng mga kadalasang katanungan sa steemit na marahil di mo nabasa ay ito na at nakasalin sa salitang Filipino. Si @timcliff ang mismong nagbahagi nito at sa tulong ng ibang steemian. Ito ay sulit basahin at napaka klaro ng mga gustong ipahiwatig.

Ano ang Steemit.com?

U5droTLU7wywas4RERj1vHWSge56nAg.gif
Ang Steemit ay isang social network (tulad ng facebook at twitter) at isang plataporma na nagbibigay gantimpala sa mga nilalaman na ang kabuohan ng mga tao ay ang benepesyaryo sa ekonomiya ng atensyon. Dahil sa panahon ngayon ang atensyon ay binabayaran. Ang gantimpalang binibigay nito ay STEEM.

Ang Steemit ang nagbigay ng bagong kahulugan sa social media sa pagbuo ng bagong paraan ng pamumuhay, paghinga at pagunlad ng sosyal na ekonomiya. Isang kumunidad na kung saan ang mga taong kabilang ay binibigyan ng gantimpala sa pabahagi ng kanya-kanyang boses.

Paano gumagana ang Steemit?

U5ds7raYxHYyrD25BhQSKCkdsmGuNey.gif
Ang Steemit ay isang platapormang social media na kung saan ang mga taong kabilang nito ay nagbibigay gantimpala sa isa't isa sa kanilang mga nilalamang gawa o mga inilalathalang artikulo. Mga tao na nagbibigay gantimpala sa mga tao, sa makatuwid na salita. Posible ito dahil sa Steem blockchain at cryptocurrency; Ang Steem ay ginagawa araw-araw at ibinabahagi sa mga taong gumagawa ng mga nilalaman at nakasalalay sa boto ng mga taong bumabasa ang halaga ng steem na kanilang makukuha.

Paano naging iba ang Steemit sa ibang social media websites?

U5dtM65j66FjgXqn5EYtGPyCkEw9kZs.gif
Karamihan sa mga social media ay kumukuha ng mga mahahalagang impormasyon o balyu galing sa userbase para sa kabutihan ng mga taong nagbigay halaga nito, mga taong nag-pundar ng pera. Ang Steemit ay iba, isang klase ng ekonomiya na mga atensyon. Dahil sa steem blockchain din kaya ito iba sa karamihang social media. Dahil ang blockchain ay decentralized o walang sino man ang kumukontrol nito, ang mga tao sa Steemit ay nakakatanggap ng benepisyo at gantimpala para sa atensyon na gusto nilang makuha.

May bayad ba ang bawat post, kumento o boto?

U5dtLPB7zaDevMeB8CmnFFiyBNpN8m2.gif
Hindi. Libre lang ang pag-post, pag-kumento at pag-boto. Puwede kapang mabayaran sa pag-post, kumento at pag-boto lang!

Makakakuha ba ako ng mga digital tokens sa Steemit? Paano?

U5drjTGayYrHnUR5zwwE5Rk8QjEhgtp.gif
Makakakuha ka ng mga digital na tokens sa steemit pag-ginawa mo ang mga ito:

Posting- Sa pamamagitan ng pagbahagi mo ng mga posts or gawa mo, maaari kang makakuha ng mga boto galing sa meyembro ng kumunidad. Nakadepende sa mga boto nila na makukuha mo ang parte ng gantimpala na matatanggap mo sa Steem reward pool.

Pag-boto at pagbigay balyu- Kung nakakita ka ng magandang katha o artikulo at binoto mo ito sa panahon na hindi pa ito sikat, makakakuha ka ng curation reward kapag ito ay nag-trending o sumikat. Dapat ikaw yung unang tao na makakakita sa artikulo na may potensyal. Ang gantimpala na makukuha mo ay nakabase sa dami o laki ng STEEM Power mo.

Pagbili- Maaari kang bumili ng STEEM or Steem Dollay tokens na direkta sa Steem Wallet gamit ang Bitcoin, Ether o Bitshares tokens. Makakanili ka rin sa mga mercado o exchanger tulad ng BlockTrades, Poloniex, Bittrex, Shapeshift.io at Changelly.

Saan kinukuha ang mga STEEM tokens?

U5drHq8yhPRm5hHvxJQMPs4UoBgMvSu.gif
Ang SteemNetwork ay patuloy na gumagawa ng mga digital tokens para ibigay sa mg gumagawa ng mga nilalaman at yung mga nakakadiskobre ng mga nilalamang ito. Yung ibang bagong gawa na tokens ay inililipat sa mga gumagamit sa Steemit halimbawa ng pag-post, kumento, at pag-boto sa ibang nilalaman na makikita. At yung mga natitirang tokens ay binibigay sa mga holders o yung iniipon ang Steem Power nila at sa mga witnesses or mga saksi na nagbibigay lakas sa Steem Blockchain.

Saan nanggagaling ang halaga?

U5drK59hLNBybR2kDYkPkhnGCNYA9P6.gif
Sa ugat nito o ang mismong Steem Blockchain. Ang Steem ay isang simpleng sistema ng mga puntos. Dahil sa sistema na ito na nakabase sa blockchain, ang mga puntos ay puwedeng maikalakal sa mercado bilang digital tokens. Ang mga taong interesado dito ay bumibili at nagbebenta at dahil diyan nabibigyan ng halaga ang Steem.

Sa paghahalintulad, ang Steem ay isang sistema na nilalaro ng mga gumagamit nito sa pagkompetensya ng atensyon na gustong makuha at mga gantimpala na binibigay sa mga nagbibigay halaga sa plataporma. Ang mga gantimpala na makukuha ay mga tokens na may halaga sa mercado na handang maikalakal sa ibang tao o sa ibang mercado. Katulad yan sa paglalaro ng isang video game na kung saan makakakuha ka ng tokens o pera sa paglalaro ng video game. Kung ang pera na makukuha ay puwedeng ilipat sa isa't isa, makakabili ka ng mga gamit na nasa mercado ng video game.

Bakit may malaking kaibahan ang gantimpala na nakukuha ang bawat Steemit User?

U5dtmy71TDDVyN7UbKEXhz3rXmCXRAD.gif
Ang Steemit ay hindi isang "get rich quick" na pamamaraan. Hindi ibig sabihin na madali lang kumita ng malaki sa pamamagitan pag-post ng magandang artikulo, dahil bihira ito sa karamihan ng mga steemit users.

Ang mga awtor na nakikita mong kumikita ng malalaking gantimpala ay mga steemit users na naglaan ng malaking oras sa pag-buo ng reputasyon, koneksyon at mga taga-sunod sa paamagian ng kanilang magaganda at may kabuluhang nilalaman.

Napaka inam na magkaroon ng mga katotohanang ekspektasyon na hindi tumatanaw sa gantimpala lalo na't ikaw ay bago palang sa sistema. Magtrabaho para sa pagbuo ng reputasyon mo o koneksyon mo sa ibang steemit users. Ang pagiging consistent sa ginagawa ay magbubunga ng maganda sa huli.


Ito ay parte lamang ng buong opisyal na FAQ o mga kadalasang katanungan tungkol sa Steemit.com. Maraming paraan para kumita sa steemit. Ang limitasyon lang ay ang iyong imahinasyon.

Maraming Salamat!

"best of time"

Sort:  

Mabuti naman at nagawa itong post. Patunay na mas lalong lumalaki at lumalakas ang komunidad nating mga Filipino sa Steemit. Mabuhay!

wow nice post so cool I like it
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

Salamat sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon para magbigay dagdag kaalaman sa mga nagnanais makibahagi sa pamilyang steemit. Mabuhay ka!

Mabuhay ka rin kabayan! Naway may natutunan ka sa gawa ko. :)

maganda itong ginawa mo kaibigan. kailangan ng mga pilipino ito para lubos na maintindihan ng mga kababayan natin kung paano gamitin ang plataporma ng steemit at gamitin.

subaybayan pa ang mga maibabahagi ko para sa Filipino Community. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63540.43
ETH 2481.91
USDT 1.00
SBD 2.66