#165 Filipino Poetry: "Malaki"

photo-1508558936510-0af1e3cccbab.jpeg

"Malaki"


Sabi nila na kung mas malaki, mas maganda
Na kung mas malaki, hindi masama
Kung mas malaki, mas mabuti
At kung mas malaki, sobrang pinupuri

Ngunit di lingid sa kanila
Na kung mas malaki, hindi kasya
Kung mas malaki, di ka aya-aya sa iba
Kaya wag maging bulag sa katotohanan
Na hindi lahat ng malaki ay tinutularan

May pagkakataong ikay sinusubukan
Na pumili sa malaki dahil ikay nakakalamang
Ngunit isipin mo rin na
Kung malaki ang natanggap, malaki rin ang makukuha

Di ko naman sinasabi na maliit ang mas maganda
Ang gusto ko lang ipahiwatig na pumili ng sapat na
Wag maging malaki sa iba
Dahil masakit ang iyong pagbagsak sa ibaba.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Do you want me to resteem your blog post to over 32,800 followers and many viewers to get more upvotes? For more info. go here: https://steemit.com/@a-0-0

proudpinoy.png
Tama ka kaibigan ang tunay na kadakilaan
ay hindi nasusukat sa laki o liit nito, kundi
ito ay makikita sa kung anu ang nilalaman
ng ka looban.

Yes its true, there is a saying "Maliit man sa Paningin nakakapuwing rin".

sukses selalu bang

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62836.52
ETH 2558.21
USDT 1.00
SBD 2.72