Trip to Korea: The Basics

in #travel8 years ago (edited)

SAM_3144.JPG

Di po ako nilamon ng Korean drama or Kpop. Ang totoo, He's Beautiful pa last na napanood kong Korean drama bago ako ulit nanood ng Legend of the Blue Sea. Hwarang (na di ko pa tapos) at Fight For My Way na isinunod ko non. So mga Lee Dong Wook at Jo In Sung pinagnanasaan ko. Ganern!

But who can say no to Korea lalo na kung makakakuha ka ng roundtrip na wala pang 5k at wala pang 10k nakapag-Jeju ka na rin. This year mas mahal kasi biglaan. Nalipasan ako ng sale.

But I must warn you. Maliban sa facial mask, everything about Korea is EXPENSIVE. Akala ko pinakamahal na ang Singapore pero triple pa pala ang Korea.

So, ihanda n'yo na ang puso n'yo. Here we go!

Ilang bagay na dapat ninyong malaman tungkol sa South Korea:
Money: won
Won vs Peso 43-50 pesos depende kung saan ka magpapapalit.

Tip: 1. Pwede kang bumili ng won sa money changers dito sa Pilipinas. Minsan mas okay pa kaysa sa Korea.

  1. May airport na grabedad magpresyo sa palitan. Kaya minsan mas okay sa Pinas bumili.
  2. Pwede rin mag-withdraw sa bangko via ATM at credit card. BDo daw maganda ang palitan ng currency. Pero siyempre may mga deduction at fees pa iyan.
  3. Mas mahilig sa credit ang Koreano. Kahit sa palengke at mga tiangge pwede ang credit card.
  4. Itawag sa bangko na pupunta ka sa ibang bansa at gagamitin mo ang cards mo. Kasi pag walang travel advisory, baka i-cancel nila iyan at ma-fraud ka pa. Make it at least 3 days before your departure.

Language: Hangul?Korean
Karamihan sa kanila di naman magaling sa English lalo na 'yung mga matatanda at nasa probinsiya.

Tip: 1/ Tiyagain na kahit Google Translate pero mas okay ang Naver para sa mga di marunong mag-Korean. 2. Ipasulat in Korean ang mga address na pupuntahan n'yo.

Navigation:
Mahal ang taxi pero may buses at trains naman doon. Sa Jeju walang train. Bus lang.
Tip:

  1. Mag-install ng Google Map at pwede rin Naver Map kaso in Hangul 'yun.
  2. pwede rin magrenta ng kotse kung may international license kayo.

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.31
JST 0.073
BTC 63644.68
ETH 1673.33
USDT 1.00
SBD 0.42