Changing Partners OST: Maleta Lyrics
Artists: Agot Isidro, Jojit Lorenzo - Alex
Ana Luna and Sandino Martin - Cris
Music and Lyrics by Vincent de Jesus
Song link: https://open.spotify.com/track/0w4bWGpcvsbWqf4HmWryO7
Changing Partners Trailer: https://www.facebook.com/changingpartners/videos/125682984773531/
Alex:
Sa guwardiya’y naibilin na kita
Alas singko y medya’y darating ka
Ang mga maleta’y nasa likod ng pintuan
Kunin mo lang ang sa ‘yo
Alam mo naman siguro kung ano ang sa ‘yo
Huwag mong galawin ang sa akin
Iwan mong mga binigay mo sa ‘kin
Chorus:
Iwan mo lang sa unan ang amoy ng iyong pagtataksil
Akin ‘yan
Iwan mo lang ang pangako ng puso mong suwail
At sa iyong pag-alis isasabit ko sa dingding
Ang mga alaala ng maamong mukha
Ng pag-ibig mong sinungaling
Chris:
Di ko binalak na ika’y saktan
Ang nangyari’y nangyari na
Mabuti na ring malaman mo
Dahil di ko kayang aminin
Maniwala ka inibig din kita
Di lang pumantay sa pag-ibig
Di lang umabot sa inaasahan mo
Alex:
Iwan mo ang susi sa tokador
Isara ang pinto at huwag nang lilingon
Huwag mong piliting lumuha baka di mo kaya
Mabigat ang maletang dala mo
Iyan ang kabaong ng pag-ibig na pinatay
Sana ay kaya mong buhatin
Habang buhay mo ‘yang bubuhatin
Chorus 2:
Alex: Tandaan mong maigi ang amoy ng iyong pagtataksil
Cris: Habang buhay niyang isusumbat ito
Alex: Bitbitin mo ang pangakong dinurog ng puso mong suwail
Cris: Tatanggapin ko
Alex: At sa iyong pag-alis isasabit ko sa dingding
Ang mga alaala ng maamong mukha
Ng pag-ibig mong sinungaling
Coda: At kung magkita man tayong muli
Huwag mo akong babatiin