Pabasa ng Pasyon 2017
Ang Pabasa ay ang pag-awit o pagbasa ng mga deboto sa mahabang pasyon ni Hesukristo. Ang nasabing pasyon na nasa anyong patula ay hango sa Bibliya ng mga Katoliko Romano. Ang grupo ng mang-aawit ay kakanta nang sabay sa saliw ng luma o bagong kanta, sinasamahan ng mga instrumento kung minsan upang mas masigla ang pagbabasa.
Source link http://www.akoaypilipino.eu/libangan/libangan/life-style/pabasa-tanda-mo-ba-ito-pinoy.html
Taon taon na naging kasanayan na sa aming pamilya ang Pabasa ng Pasyon twing nalalapit na ang Mahal na Araw. Ngayon taon, idinaos namin ang Pabasa nitong nakaraang Sabado, ika-10 ng Febrero taong kasalukuyan.
Pinangunahan ito ni Bro. Tura, kaibigang Lay Minister ng aming pamilya. Sinimulan ang Pabasa ng Pasyon ng alas-singko ng umaga at natapos rin ng alas-sais ng gabi. May ilang kaibigan at kaanak rin kaming sumabay sa pag-awit ng Pasyon ni Kristo na talaga namang ikinagalak namin ng husto. Narito ang iilang larawan ng Pabasa 2017 sa tahanan ng aking ina.
Nalalapit na ang Mahal na Araw. Sana'y mas unahin natin ang pagninilay-nilay sa mga tahanan bago ang pagbabakasyon sa isipan.
Magandang Umaga!
- Fey
Ang mga litrato sa artikulong ito ay pagmamay-ari ng aking ina.
This post has received a 3.99 % upvote from @boomerang thanks to: @smafey
Laban lang, keep posting, keep sharing your faith:-)
Oo naman. Lavern kung lavern!
Thanks!
Checkout some of my works @smafey