Nakatagong Paraiso

in #nature8 years ago

Galing kami ng Daet ng Mister ko. Bumili ng iuulam at ilang gulayin. Papauwi na kami nasa highway na nang sabihin nya sa akin na may daan syang alam, kaiba sa natural na dinadanaan namin kapag pauwi na. Sabi ko sige subukan namin kako at siguraduhin lang nya na kakaiba nga.

Nung una normal lang sakin yung dinadaanan namin. Palayan sa kaliwa't kanan ko. May mga naglalakad na estudyante. May mga bahayan sa tabi tabi. Pero napansin ko, kami lang ang sakay sa motorsiklo. Lahat naglalakad lang. Ni sidecar wala ko nakikita. Tinanong ko na Mister ko kung alam ba nya yung dinaanan namin. Sabay tumawa sya. Sabi nya higit sampung taon na raw sya nung huling dumaan dun at di na sya sigurado kung may daan pa raw. Syempre nagulat ako kaso ang banggit rin nya sakin wala sya kakilala dun sa lugar. Pero siniguro naman nya na madali lang kami makakaikot kung sakaling walang daan dun pauwi samin. Aksaya sa gasolina diba? 

Malayo na rin yung tinatahak namin malubak na rin yung daan. Lumiko kami banda sa irigasyon. Paloob ng kagubatan.  Hanggang sa narating namin to. Isang sapa. Kinuhanan ko 'to habang nasa tulay yung motor na sinasakyan namin. Isang tulay na motor lang ang kaya. Pakiramdam ko nga tulay yon para lang sa naglalakad. Nagandahan ako kaya kinuhanan ko ng litrato. Tagong lugar. 



Brgy. Cahabaan ang pangalan nung pinasok naming baryo. Sakop pa ito ng Bayang ng Talisay. Wala nga signal ang cellphone na dala ko. Tahimik at malamig. May iilang bahay na magkakatabi. Pero parang kakaunti lang ang mga nakatira.



Hindi ko inakala may maliit na malaparaisong sapa sa lugar na iyon. Sa susunod kukuhaan ko yung tulay. Natakot kasi ko sa tulay kaya pinamadali ko na Mister ko.


Nakauwi naman kami ng maayos at ligtas. Medyo maputik at malubak nga lang yung daan. May iilang daan na kakailanganin ko pa bumaba sa motor kesa malusak kasi sa putikan. Sa kasalukuyan naghahanda na ko ng iuulam namin ngayong hapunan. :D


Magandang Gabi, Steemians!



-Fey



Ang mga litrato sa artikulong ito ay pagmamay-ari ni @smafey

Sort:  

Marami ngang talagang magaganda na tanawin sa atin. Post natin para madiscover ng iba.

Oo tama ka. Minsan sa paningin natin normal lang kasi lagi natin nakikita. Pero kapag naipakita na natin sa iba saka lang natin mapagtatanto ang kakaibang kagandahan nito.

-Fey

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.083
BTC 60762.96
ETH 1565.09
USDT 1.00
SBD 0.47