Filipino Poetry. "Liwanag"
Sa kadiliman ng langit
Walang araw na masisilayan
Mga pangarap na nais makamit
Na wari'y ayaw pagbigyan
Doon sa di kalayuan
May mag-asawang lugmok sa hirap
Bahay na puno ng pagmamahalan
Kapisan ang nag-iisang anak
Anak nilang may angkin yaman
Yaman sa pagmamahal ng mga magulang
Talento ng katalinuhan
At walang pag-aalinlangan
Bigkas ng anak sa mga magulang
"Ama at ina hayaan nyong ako naman.
Kadiliman ng langit ay aking hahawiin,
Upang liwanag ng araw ay ating masilayan."
Mumunting tula na handog ko sa mga anak na nagsusumikap maiahon ang buhay ng kanilang mag-anak.
Kung kayo ay may komento at suhestyon hingil sa pagkakagawa at pagbuo ko nitong tula, ito'y aking lubos na ikagagalak na marinig at mabasa.
Maraming salamat.
-Fey
Ang mga litrato sa artikulong ito ay pagmamay-ari ni @smafey
Good post interesting.
:) thanks!