Bilao ng Buhay.
Bilao ng Buhay.
Ito si Tata Ote. Kapitbahay namin dito sa Calabagas, San Vicente, Camarines Norte. Isa syang byudo na at may kanya kanya na rin pamilya ang kanyang mga anak. Tanging kapatid na babae ang kasama nya bahay. At ang paghahabi ng bilao at salacot ang kanyang kinabubuhay.
Napadaan kami ni @mikemaphu sa bahay nila nung isang araw at nakita namin syang naghahabi ng bilao. At nitong umaga lamang napagisipan namin na kuhaan sya ng litrato, nagbabakasakali na makakuha kami ng iilang tao na nais kumuha sa kanya ng mga bilao.
"Bilao kayo dyan! Halagang 100piso lamang! Sigurado ka ng matibay at talagang maaasahan! Di tulad ng syota mong panay paasa lamang!"
Oo tama kayo. Isang daang piso lamang itong bilao. Gawa mismo sa mga kamay ni Tata Ote. Huwag mong ismolin sapagkat itong bilao halos dalawang oras bago nya matapos.
Dalawang oras para sa halagang isang daan piso. Isang daang piso na hindi pa sigurado kung mabibili o hindi.
Habang naghahabi sya iniistorbo sya ng mister ko sa pagtatanong tungkol sa mga bilao na gawa nya. Sa isang araw tatlo hanggang apat na piraso ang nagagawa nya. At kapag umabot na ng bente piraso, dinadala nya ito sa Daet para ipagbili. Depende pa yung dami ng gawa nya kung wala sya nararamdaman. Syempre may edad na rin si Tata Ote. Nabanggit ko na ba na itong mga materyales na gamit nya ay sya rin mismo ang kumukuha sa kawayanan pa? Kung hindi pa eh, yun na nga. Sya mismo ang nangunguha ng mga bulonsina, iyong maliliit na kawayan. Higit apat na dekada na nya itong kinabubuhay. Solo man sya noon, hanggang sa nag asawa at nagkaroon ng mga anak. At ito nga ngayon, kapatid na lang nya ang kanyang kasama. Tinanong namin sya kung hanggang kelan nya plano gumawa ng bilao, at ang sagot nya "Hangga't kaya kong gumawa".
Naikwento nya sa amin na minsan ng may umorder sa kanya na taga Tarlac. Isang daang piraso para sa isang restawrant. Isang buwan din nya yun ginawa at talagang nagtyaga sya. Syempre sayang rin ang kikitain nya diba?
Bilao. Ibat-ibang laki depende sa oorder nito. Bilao. Na depende sa laki ang magiging presyo nito. Bilao. Maliit man o malaki, siguradong swak sa bulsa at pangangailangan nyo. Bilao. Na kapag kayo'y bumili, si Tata Ote ay siguradong matutulungan nyo.
Inyo sanang iresteem upang makita ng iba, hindi lamang ang bilaong gawa nya, kundi pati ang dedikasyon nya sa mga bilao na ito.
Maraming Salamat at Magandang Tanghali, Steemians!
-Fey, bumili po kami ng bilao para sa pagbibilad ng malunggay na gagawin namin tsaa ni @mikemaphu.
Ang mga litrato sa artikulong ito ay pagmamay-ari ni @mikemaphu.
Halina't tulungan natin si @surpassinggoogle sa pamamagitan ng pagboto sa @steemgigs bilang witness.
very touching..
May God bless him.
He will truly be blessed.
Thanks for dropping by!
-Fey
Kahit hirap sa buhay ,patuloy pa ring lumalaban si ta ote. Napakatyagang tao,higit 2 oras nyang ginagawa ang isang bilao.
It takes patience and hard work to do that bilao. Hanga ako sa kanya.
So true. Imagine he's doing this for about 4decades already..
Thanks for dropping by!
-Fey
This post has received a 5.27 % upvote from @boomerang thanks to: @smafey
kaka touch naman si tatay.
hanggat kaya nya.
ganda ng bilao nya.
bumili kau?
Yes, te che. Ginamit namin pagbibilad ng malunggay at sa panglaing. ;)
-Fey
Magandang pang dekorasyon at pwede gamitin sa kusina. Sana nga makabili ako. Kaso ang layo ko siguro. Upvoted po!
Saan ka po ba? Kung taga Maynila pwede kita dalhan :)
-Fey
Davao po.
Ay layo nga. Hehehe. Hayaan mo. Who knows meron makakita nito at gusto tumulong kay Ta Ote sa pamamagitan ng pagorder ng maramihan ulit..
-Fey
Opo pag dasal natin. Thanks!