"LUHA" Mula sa Pusong Umaasa
May pagkakataon na tayo ay umaasa sa pag-ibig mula sa isang taong kaibigan lang ang turing sa atin. Kung ikaw ay nakaranas na ng pakiramdam na ito, ang tula ko ay pwedi mong magamit.
Image Source
May iba't-ibang tao tayong nakikilala at nagiging karamay.
Iba't-ibang ugali na kailan man sa buhay natin ay naging gabay,
Hanggang sa nagkaroon sila ng kahulugan sa ating buhay.
Isang taong nagsilbing kaagapay sa tuwina,
Di mawari ang kanyang katangiang ipinakita.
Karamay sa bawat sandali,
Isang kaibigang na sa akin ay nagpapangiti.
Oh kaibigan ko!
Salamat sa mga pagkakataong ako'y tinulungan mo.
Sa mga yakap at paanyayang naibahagi mo,
Na nagsilbing daan sa pagkamulat ko.
Ngunit habang tumatagal ang ating pagsasamahan,
Tila bang may nagbago sa aking pakiramdam.
Na ibig nitong ipakahulugan,
Ang mahalin ka ng higit pa sa kaibigan.
Di alam kung ano ang dapat kong gawin,
Dahil alam kong mali ang minimithi ng aking damdamin.
Sapagkat mayroon kang isang taong inaasam-asam,
Ikaw nga'y sa akin nagpaturo kung paano siya makamtan.
Ang sakit gayun pa man,
Na mahalin ka ng higit pa sa kaibigan.
Bakit ba nahulog pa ang damdamin ko sayo,
Tama na sana kung hanggang kaibigan lang tayo.
Sapagkat ninanais ng puso ko,
Ang di inaasahan na pagyayaring ito.
Ano ba ang aking gagawin?
Na alam kong lahat ng ito ay mahirap nang burahin.
Itong nararamdaman ay akin nalang kakalimutan,
Upang hindi matapos ang ating pagiging magkaibigan.
Kaibigan kitang tinaggap,
Kaibigan ko ding tatapusin ang lahat.
Yours Truly,
SISSY
I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
https://steemit.com/~witnesses
Vote @steemgigs, @rcarter , @curie , @blocktrades , @neoxian , @liondani,
@pharesim , @good-karma ,@jerrybanfield , @neoxian and dont forget @arcange
Transfer 0.100 SBD to @mrbean1 and put the link of your post in the public memo
I GIVE you 4 FOLLOW AND 5 UPVOT and resteem by @mrbean1
Nice poem :) thanks for sharing