AKING IROG

in #irog3 months ago

By: Sandra M. Arniño

Ang iyong pagdating sa buhay ko
Ay di inaasahan ng tulad ko,
Bigla na lamang naramdaman
Lungkot ko'y iyong pinaparam.

Kaligayahan ko ay nag-uumapaw
Sa tuwing ikaw ay aking matatanaw.
Saya ang sa akin ay nangingibabaw
Kapag nakita at kausap ay ikaw.

Dumarating pa nga sa punto
Na ang tanging hinihiling ko,
Nawa ang oras ay bumagal sa kanyang paggalaw,
Upang pagsasama ay tumagal sa bawat araw.

Sa bawat pagkakataon na ikaw ay aking nakakausap,
Para bang ako'y mahimbing na natutulog at nangangarap.
Dalangin ko ngayo'y 'wag na matapos pa
Ang bawat segundong kasama kita.

Lungkot at pagod ko'y hindi ko nababatid,
Lalo't pag ika'y nariyan sa aking paligid,
Pakiwari ko ako'y nasa himpapawid,
Pagkat ligaya sa aking puso ang iyong hatid.

Sa bawat minuto ng ating pagsasama,
Ang lahat ng ito sa aki'y tumatak na,
Mananatili ito sa 'king gunita,
Kahit limutin ito'y di magagawa.

Oh Diyos ko, salamat ng marami,
Sapagkat siya ang iyong pinili,
Na kahit sa sandali'y makadaiti
Nang isang tulad kong simpleng binibini.

Sort:  
Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 64292.31
ETH 3500.72
USDT 1.00
SBD 2.50