Tulang-Filipino : "Suman"


"Suman"


Isang tula patungkol sa suman


images (11).jpg
Pinagkuhanan ng Imahe


Habang ako'y papunta ng simbahan
Naglalakad sa mainit na daanan
Ako'y may napansing isang tindahan
Nagtitinda ng mga kakaning-Bulacan

Agad agad ko itong nilapitan
At tinanong kay ate, "Magkano po iyan?"
Mayroon siyang palitaw at mga bibingka
Gayun din ang mga puto, biko at ubeng halaya

Ako'y sinagot niya, "Alin po diyan?"
Ang aking napili ay ang paborito kong suman
Suman sa latik, suman sa lihiya at sumang magkaakap
Iyan ang mga suman na aking pinapapak

Ang suman ay gawa sa malagkit
Hinalo halo upang sa kawa'y hindi dumikit
Paggawa ay sadyang hindi madali
Pagkatapos matikman ay tiyak kang mawiwili


DQmboHdFAz8kFNLLgYr9USbb4rRixZD6KvSjw6JS3ieKeLo_1680x8400.png

And this is @racheleecious or simply "Chel Lee"

Don't forget to Follow, Comment, Upvote and Resteem
DQmWpisRXDF56mV3DgzzPUxb3R2ozseR48YVr2YKtwtrBcV.gif

DQmboHdFAz8kFNLLgYr9USbb4rRixZD6KvSjw6JS3ieKeLo_1680x8400.png

To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

Sort:  

Anlagkit ng tula mo. Hehe!

Sarap talaga ng kakanin sa Bulacan hehe lalu sa Santa Maria :D

Masarap talaga mga pagkain sa Bulacan, tama ka po

Hindi lang kakanin ang masarap sa amin pati chicharon special haha. Kung kinakain nila fireworks magugustuhan din nila yun haha joke.

Suman sa latik, suman sa lihiya at sumang magkaakap
Iyan ang mga suman na aking pinapapak

Nagutom ako, ang hirap pag nagugutom napapa tula din hahaha

Paborito kong suman; suman sa balinghoy
Laging binibili sa tindahan ni Mang Boy
Kahit ito'y sadyang makunat
Masisiyahan ang mga bata pag ito'y kinagat.

Haha, napakagandang komentong patula.. Iba talaga pag gutom,

Lesson Learned:

Wag magbasa ng tulang patungkol sa pagkain, nakaka-makata.

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.103
BTC 64090.70
ETH 1794.98
USDT 1.00
SBD 0.39