My Rebirth in Steemit
This blog is about my rebirth in steemit.
I'll start by telling you of how did I discover this Steemit community.
Paano ko ba nga ba nalaman na may STEEMIT? Ito yung mga panahong naghahanap ako ng extra income. Ive tried a lot of networkings, nag risk ako mag invest kasi inaasahan kong may mapapala ako, kaso dito kasi samin hindi masyadong sumasali ang mga tao sa networking dahil masyadong mahigpit sa pera well I do understand kasi mahirap nga naman kumita ng pera kasi nga ang bawat piso ay mahalaga. Hanggang sa naka chat ko si sis @ankarlie nagchat kame hanggang sa nag open topic sya about blogs. tinanong nya ko if I do blogs ba daw, sabi ko hindi pero gusto ko maging blogger at doon ipinakilala nya sakin ang steemit.She guided me every step of the way hanggang sa pagpo-post ko. Ang galing kasi palagi nya akong ini-encouraged na magpost.
Noong unang buwan ko dun halos nabaliw ako nakakaloka kasi ang daming bagay na dapat kong intindihin para makabisado ang steemit pero dahil tinatamad ako hindi ko inaral ng mabuti. Dumagdag yung pressure kasi sabi ng mga mas matanda sakin nung una kong grupo na it would be better if I use English in my blogs. Na pressure ako kasi hindi naman kasi ako ganun kagaling na mag english kahit na teacher na ako. Dun na pumasok yung takot ko na baka macriticized ako ng mga tao. Kaya mga post ko nun yung mga luma kong gawa na tula. Tapos dumating na sa point na nagkaproblema kami dito sa bahay, nag away kame ng ate ko. My sister is my source, sya nagbibigay sakin ng mga pangangailangan ko kasi sya lang naman yung may trabaho samin sa bahay, both of my parents are jobless.. umaasa kame sa pension na nakukuha namin every month na 5k lang. minsan kapos at kulang pa nga yun kaya anjan ate ko para tumulong. kaso dahil nag away kame wala ng nagbibigay sakin ng pera.. at ang pera ay kailangan ko syempre diba pang load.. pang surf sa net para makapag steemit ako.. kaso wala hanggang sa di na ako naging active sa steemit.
almost 1 month ako nagpahinga sa steemit, nagpost ako ulit pero tagalog it was all about a dog whom I loved kahit di ako ang amo. after nun wala na.. hanggang sa this past few days @ankarlie chatted me, binuhay nya ulet loob ko to continue steemit. Ang galinglang kasi kahit na sya mas bata sakin eh sya pa tong nage-encouraged sakin at tumutulong. Tinulungan nya din ako na macash out ko yung kita ko sa steemit na 5.2 SBD . Nakakatawa nga ehh kasi sa halos tatlong buwan ko 5 SBD lang nakuha kumpara sa iba na doble o triple na ang nakuha. But thats okay, it was my fault because I did not continue steemit. I gave up steemit.
That's why I'm here again sa steemit community sa tulong ng isang mabait na kaibigan . I wanted to thank sis @ankarlie for being there for me., you guided me every step of rhe way, you did encouraged me. Thank you thank you so much. I owe you a lot sis.
Thank you sis kasi isinali mo ko sa @steemitfamilyph


You may wish to blog in your native tongue but make sure that it is proper Filipino so that people who wish to read your blog can use google to translate it. Welcome back and stay awesome
Yehey bumalik na si ate sa steemit. I would like welcome you back to steemit. Okay lang na mag blog ka sa tagalog madami namang pinoy na nasa steemit. Of course minsan di naman masamang mag post din sa english. No need sa mala-nobelang post kasi hindi naman lahat sa steemit gusto din ng mahabang content. Gusto nila na quality not quantity. Anyway welcome back ate and I wish you good luck this time around :)
thank you for encouraging me sis @ankarlie
You are welcome ate it is nice to have good people around in steemit :)
Welcome back batch mate!! I will wait for your new posts and it doesn't matter if you left and went back again being with us Ohana means family and no one is forgotten.
We will be here to help and guide youm
thank you @maverickinvictus
Welcome back to Steemit! Pwde naman kahit anong language gamitin kung doon mu mas lalong mapapaintindi. I’m a bisaya and nahihirapan din akong mag english and tagalog pero pag may tiyaga talaga dito sa steemit, may nilaga. Steem on! 😊
@queenlouise07 be positive tayo lahat ditu malay natin maging whale na tyo by this year jeje ;)
matagal na matagal pa vago ako maging whale .. pero sana.. atsana pag naging whale kana @jaycee7viral wag moko kalimutan huh.. haha
Haha sure :)
welcome to @steemitfamilyph, glad nagdecide ka na bumalik :) keep on steeming :)
Welcome back to steemit! :) isa ako sa mga pinoy na babasa ng blog mo. Doesn't have to be english. Kung saan ka naman comfortable yun ang gawin mo. :) we are here for you. Si @ankarlie kahit sa sandaling nakausap ko siya napakahelpful niya and genuine na tao. So glad na nakausap ko siya sa STEEMITFAMILYPH. As for you, happy ako na nandito ka ulit to share your thoughts or anything under the sun. Have fun here @queenlouise07 we are here to support you. Sabi nga nila sa grupo we are ohana (we are family, no one is left behind or forgotten).
salamat sa pagbabasa ng mga blogs ko @hundredlbsbeauty
Okay lang na gamitin ang Tagalog sa steemit. Ako gamit ko tagalog sa mga kwento ko kasi mas madaling mag express ng ideas.
Napapansin din naman ang gawa at tip lang as per @bayanihan if ever na tagalog ang post para makita sya you can use #pilipinas tag.
Kung poetry, or kwento ang ginagawa mo okay yan. Maliit palang ang market natin dito pero push nating maging okay sa steemit
Maliit din ang kinikita ko sa Tagalog post pero okay lang ang mahalaga ay yung enjoyment na nadadala nito sa end ko.
salamat sa tips 😊@tpkidkai