"Gising na Juan!"

in #poetry8 years ago

sunbathing-2090469_1280.jpg
Pixabay

Gising na Juan!
Itigil na ang kabuktutan,
Imulat ang kamalayan,
Sa tunay na nangyayari sa bayan

Isinabuhay mo na ata ang pagiging Juan Tamad,
Kung ganyan ka lagi, paano ka nalang uunlad?
Kung ganyan ka lagi, paano mo nalang maabot ang iyong hinahangad?
Payag ka nalang bang nakahilata ka nalang maghapon
Habang ang iyong pang itaas ay nakahubad?

Imulat ang iyong mga mata,
At nang gayo'y iyong makikita,
Ang tunay na nangyayari sa ating bansa,
Isang bansang karamihan sa mga mamamayan ay isang kahig, isang tuka

Huwag kang papasilaw sa salapi,
Lalong lalo na sa mga pulitikong tiwali.
Huwag mong gagawin ang mga bagay na alam mong mali,
Sapagkat ikaw din ang magsisisi sa huli

Kumilos ka! Huwag kang maging pabigat,
Kase wala kahit isang institusyon ang makakatulong sa iyong pag-angat.
Maging isang produktibo at maparaang mamamayan,
Imulat ang mata at kumilos ka Juan!


received_1707995109239654.png

Sort:  

Walang ibang tutulong sayo kung hindi sarili mo rin...Paano ka tutulungan ng iba kung ikaw mismo ayaw mo tulungan ang sarili mo!

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.083
BTC 60742.03
ETH 1557.33
USDT 1.00
SBD 0.47