Araw Sa Dapit Hapon

in Steemit Philippines5 years ago

Magandang umaga po sa lahat ng tao sa aking inang bayan ng Pilipinas at mga nag steemit araw-araw. May ibahagi lang ako sa inyo ang naisip ang pumasok sa isip ko.

inbound4830481641518356770.jpg


Araw Sa Dapit Hapon

Kahapon, habang ako'y nasa bintana
Nakita ko ang unti-unting paglubog ng araw
Bago ito tuluyan nawala ang sinag nito
Siya ay nagbibigay ng magandang kulay
Ibat -ibang kulay sa kalawakan ng himpapawid

Bigla akong napangiti, natutuwa, may kaba
Nahalintulad ko sa aking buhay
Nakita ko sa salamin ang sarili na unting-unti
Nagbabago ang anyo at lahat-lahat nito
Ito ba ay hudyat ng takip-silim ng buhay ko?

Napag-isipan ko, kailan kaya kunin ng Diyos?
Ang hiram kong buhay sa Kanya?
Handa na ba kaya ako sa aking paglisan sa mundo?
Kaya na ba sa mga mahal ko na iiwanan ko?
O di kaya may misyon pa, para ituloy buhay ko

Kung ano man ang nararapat sa buhay
Sa dapit hapon ng buhay ko
Tulad ng araw na aking pinagmasdan
Bago ako tuluyan magtatago sa dilim
Sana may maiwan akong magandang alaala
Para sa mga taong aking sinisinta

Kathang isip ni:deevicastrojo/@olivia08

Maramaing salamat sa pagbasa higitbsa lahat sa @steemitphilippines @steemitphcurator @steemcurator @steemcurator01 @steemcurator02, and @booming01 and curation team.

Note:
Ako si @olivia08, Filipina na nangingibang bansa para sa kapakanan ng pamilya.

Maraming salamat mga kababayan ko!

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.081
BTC 61655.78
ETH 1609.66
USDT 1.00
SBD 0.47