ANG SAKIT NG UNANG PAGLISAN
Isang mapagpalang araw po sa lahat..
Eto na yung pangalawang blog ko para sa aking mga mahal sa buhay na lumisan na, at nasa piling na ng Poong mahal.
Purong tagalog po yung blog ko ngayon.. para maiba lang hehe...
Iniaalay ko ito para sa aking "AMA" Lolo po namin sya.. Sa pamilya po kase namin Ama si Lolo at Ina si Lola...
Sana po ay magustuhan nating lahat ang ika pitong tula,
ANG SAKIT NG UNANG PAGLISAN
(nowiknow17)
Sa paglaki ay namulat, sa payak na pamumuhay
Walang luho sa katawan, kahit sa anong bagay
Pagsisikap ang naging daan, sa kaniyang tagumpay
Hirap at kasaganahan, sa diyos niya inialay
Ganyan ang buhay, ng ama naming mahal
Mga turo’t aral niya’y aming pinanghawakan
Sandata’t gabay namin, na hindi kinalimutan
Sa aming puso’y tumimo, nakarating man sa ibang bayan
III
Ang siyam nilang anak, pinagbuklod ng pagmamahalan
Sa atensyon at kalinga, siya’y hindi nagkulang
Ang pagiging patas, kaniyang laging katwiran
Kaya naman ang lahat, sa kaniya’y may paggalang
IV
Sa pagiging sakada, pintor at kutsero
Siyam na anak, nakatapos nagkatrabaho
Pinilit itaguyod, sa marangal na trabaho
Nagtiis nag bata, makaahon lang sa kalbaryo
V
Sa Kaarawan at okasyon, lahat ng selebrasyon
Sayang nararamdaman, tila ba walang hangganan
Mga ngiti at halakhakan, kamustahan at kwentuhan
Anong sarap balikan, gunitain ang nakaraan
VI
Buwan ng Enero, pamilya’y naghahanda
Sa kaarawan ng apong, panganay sa madla
Mga bisita’y nagdatingan, lahat ng kamag-anakan
Animo’y sinadyang, pagbuklurin ang angkan
VII
Sa gunita ko’y di malimutan, ala-ala ng nakaraan
Tila ba kahapon lamang, ng ako’y pagbilinan
Si ama’y nag aabang, sa tarangkahan ng tahanan
Mistulang tanod sa kawan, nag aabang sa pintuan
VIII
Sa aking pagdating, ako’y sakanya nagmano
At siya’y nagtanong, kung nasaan ang kapatid ko
Sagot ay nasa bahay, doon po natutulog
Pinipilit ipasundo, at kami’y mag salo-salo
IX
Hanggang ang lahat, nakarating at nakumpleto
Kaarawan ng apo, nairaos ang salo-salo
Mga bisita’y pauwi na, ang iba nama’y nag liligpit
Sa kusina makikita, lahat ay abala
X
Biglang ang ama’y, dumaing sa pamilya
Puso’y naninikip, hindi makahinga
Lahat ng tao’y, nagulat at nag-alala
Dali-daling si ama, sa ospital dinala
XI
Nakabibinging katahimikan, ako’y nagugulumihanan
Anon na ang kalagayan, ng ama naming hirang
Lahat ay nag-aabang, sa kung ano ang balita
Kahit kaming mga bata, nagpuyat at nagtiyaga
XII
Hating gabi ay sumapit, lahat ay nakakapit
Buong Pamilya’y nagdarasal, at sa Poon Lumalapit
Ama naming iniibig, huwag po ninyong pababayaan
Siya po’y lukuban, ng kagalinga’y makamtan
XIII
At ang balita, na walang nag-akala
Si amang iniibig, kinuhana ni Bathala
Pagtangis ng mga bata, paano mong malilimutan
Pusong nangungulila, paano mong pupunan
XIV
Ang samo’t dalangin ko, sa poong may kapal
Ako’y gisingin, sa bangungot na kalagayan
Pawiin po ninyo, ang bigat ng kalooban
At paghilumin, pilat ng paglisan
XV
Sapagkat itong musmos, pamilya’t kamag-anakan
Pilit iniinda, ang sakit ng unang paglisan
Panginoon naming dakila, ikaw na po ang bahala
Nawa ang ama namin, sa tahanan mo’y patuluyin
XVI
Aming ama, kami’y taos pusong nagpapasalamat
Sa biyayang ika’y makapiling, sa mundong ibabaw
Ang iyong sukdulang pagmamahal, hindi malilimutan
Ika’y laging nasa puso, pati narin sa isipan
THANK you guys for reading...
God Bless us all....
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses
My heart's pounding while reading this.... May he rest in peace, for sure he will not be forgotten. ☹️
thanks for that.😊☝️
god bless you guys and may he rest in peace
In jesus name.😊☝️