Untalented-Masarap ang Umibig

in #poetry8 years ago (edited)

IMG_20180213_141846.JPG
photo by:@nickjon

Masarap ang Umibig

Itanong sa lahat ng magsing-irog
kung mundo ba nila'y umiinog.
Karamihan ay nagtataka o nababaliw
pag di makapiling ang ginigiliw.

Ang iba'y bulag man kung ituturing
pero sa mga taong tinamaan ito'y gising.
May mga tao namang hindi alam ang gagawin lintik tinamaan ng magaling.
Hahamakin ang lahat mapansin lang, magkagusto at makapiling.

Meron din namang nagmamahal ngunit nanatiling lihim ang pagtingin.
Pagtingin na hangga't kaya ay ikukubli sa dilim ng taos-pusong damdamin.

Karamihan sa mga umibig nagsimula sa pagkakaibigan.
Pagkakaibigan hanggang nagka-ibigan!
Wow! ang swerte nga naman
bestfriend noon ngayo'y nagkatuluyan.

Sa mga taong torpe naman tanging tanong sa sarili kailan ba masasabi?
Ang lihim na pag-ibig tadhana nawa'y ikaw ay makatabi.

Marami na akong narinig na istorya ng pag-ibig.
Medyo kakaiba lang ngayon sa bagong henerasyon, sabi nila parang Rebisco ang sarap ng feeling!

Kabataang pag-ibig ang tanging nais hahamakin ang panganib.
Tandaan kaakibat ng pag-ibig ang responsibilidad diyan ako bilib.

Anong klase ba ng pag-ibig ang meron ka?
Ang pag-ibig mo ba ay matapang...may dangal... puro... dalisay..tunay at dakila.
O di naman kaya ang pag-ibig mo ay duwag.. takot... mapaglaro at naglalaho.
Masarap ang umibig na galing sa puso
kailanman hindi ka mabibigo!

#cebu
#philippines
#steemph
#powerupph
DQmPF5sh3B1Vxzo8LsxFQAnSkcHS7r4DMPg3cyhudiBp2Nn_1680x8400.png
DQmbKsfaF8GPhHKnPaBxZFggQj366cG3P8gSzz6QVHpjZqz_1680x8400.jpeg

Sort:  

may pag- ibig pa ba? charrrr...happy valentines to the family.

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.077
BTC 63999.25
ETH 1662.28
USDT 1.00
SBD 0.42