Confession: Panaginip (Dejavu)

in #teardrops8 years ago

I'm always dreaming.. Dreams that sometimes happened. Dreams that I was surprised became real.

I'm always inside my nightmares.. Nightmares where I cried hard because everything was happened.

~~~0o0~~~

Laging akong nahuhulog sa aking panaginip.
Napupunta ako lagi sa lugar na madilim..
Pilit kong hinahagilap ang liwanag.
Wala akong makita.. Ni walang maaninag..

Sumisigaw akong malakas!
Ngunit walang boses na lumalabas..
Himpit na hikbi'y unti unting lumalabas
Nag hihintay na magising na ako sa wakas..

DEJAVU

aa.jpg
Image source

Alam nyo ba yung tinatawag na dejavu? Yung mga pangyayari na nakita mo na pero nangyayari palang sayo? Ako kasi oo. Madalas, yung mga napapanaginipan ko ay nangyayari. May mga mabubuting bagay kaya grabe tuwa ko pero may mga bagay naman na hindi maganda. Madalas, yung sitwasyon ko sa panaginip ko ay nangyayari ng eksakto. Minsan di ko natatandaan yung panaginip ko pero may times na sobrang linaw at kabisado ko. Natatakot ako kasi kagabi lang ay may nangyari nanaman sa panaginip ko, o tatawagin ko nalang na bangungot kasi sobrang hindi ko gusto.

Marami na akong napanaginipan na nangyari pero ang hindi ko malilimutan ay yung mismong papa ko napanaginipan ko. Last year nanaginip akong nasa burol, tapos ang imahe na nakita ko ay yung papa ko. Nagising ako nun na takot na takot. Kinwento ko pa nga kay @azaleamikoo lahat at umiiyak talaga ako non. Tapos December last year din, nagising ako sa balita na wala na si papa. Habang nag aayos ako non naalala ko yung panaginip ko.

May panaginip akong nakasakay ako sa bus galing kung saan, tapos nag stop sa ilalim ng sm north at napakatagal umandar dahil may aberya. Nangyari din yun, nitong February. Galing akong cubao, kasama si miko, tapos nagtagal ako sa sm north dahil di umuusad yung mga bus. Alam nya na napanaginipan ko yun dahil lahat sinasabi ko sakanya.

Ang dami kong panaginip na nangyari, lahat iyon knkwento ko kay @azaleamikoo kaya tuwing may nangyayari, alam nya. Alam nyang nagkakatotoo.

March 2018, nanaginip ako. Nagbibihis ako gamit yellow kong uniform (friday) tapos nagmamadali daw umakyat yung apo ng manager namin sa sayaw, kasi aayusin na daw yung burol. Nong nagising ako nun, dumaan ako kay tatay (manager) to check if he's fine tapos may trangkaso siya that time. Nagpasalamat ako sa panginoon dahil lagnat lang. Hanggang ngayon lage ko syang tinitignan. Okay naman. Salamat naman.

This week, nanaginip ako na may 12$ upvote yung blog kong sunflower tapos ako nag che-check ako sa labas at kinausap ng boss ko. Pagpasok ko nung tuesday, sinabihan agad ako ni @reginecruz na ako mag che-check kasi absent yung checker. Tinamad ako nun bigla kaya gumawa ako ng mabilisang blog, mga 9 am. 10 am lumabas ako sandali, pagbalik ko ng 11 am may 11.90$ na upvote yung kagagawa ko lang na blog. Kaya grabe gulat ko. Binulong ko kay @jessicas na napanaginipan ko na to, tapos pag kinausap pa ako ni sir mamaya sa labas habang nag che-check saktong sakto na lahat.

Kagabi, natulog ako 11 pm. Ang tanging nasa isip ko ay yung outing kasi nag pack ako ng gamit bago matulog. Nagising ako kaninang umaga ng tanghali, nasa isip ko agad yung panaginip ko. Hinahanapan daw namin ni mama ng nitso yung isa sa pinaka importante sa buhay ko. Nag co-compute pa nga ako kasi yung kay papa ganito, ganyan bla bla bla. Naglalakad kami sa loob ng simenteryo.

Natatakot ako. Bakit ganun? Bakit ako nananaginip? Paano kung magkatotoo nanaman. Deep sigh.

Praying na sana, hindi mangyari mga to. Di ko mapigilan di mabagabag. Di ko mapigilang 'di mag isip. Nakakatakot. Bakit ba kailangan ko pa managinip? Sana hindi na. Kasi ayoko na. 'Di ko alam kung dala pa rin to ng trauma sa nangyari kay papa. Dahil ba 'to sa di ko matanggap kaya patuloy na mabigat sa loob ko?

Hays.

~ Yhien

Sort:  

Seriously don't understand.. I guess it makes sense

I shared my experiences which is so called dejavu. The similarities of time, places and situation where you feel like everything happened already. Some of my dreams were happening in real time. And i'm scared.

That is a gift. Me tawag jan..i just forgot.
Check sa spirituality gifts.
@immarojas

Pero seryoso natatakot po ako. Hanggang ngayon di ako mapakali. Kasi sobrang clear, kahit computation sa pagpili namin ng ano sa cemetry kabisado ko. Haayss. I will read it now. Thank you po sa pagbisita.

Other people can dream of the future for some reasons that they can prepare themselves, they can prevent it, some to warn others...madame reasons.
Am sure you can explain it to us from your research.

If that something is beyond your control, perhaps you can warn the person involved.

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.090
BTC 62403.07
ETH 1753.89
USDT 1.00
SBD 0.39