Unang School, Parents, Teachers Association Meeting

in Steemit Philippines2 years ago

Kumusta po,

Isang napaka ulan na araw po sa inyong lahat mga ka steemians. Nawa'y nasa maayos po kayong kalagayan. Ako ay masayang na makapagbahagi ng aking diary sa komunidad na ito.

Alas 8:30 ng umaga ng tingnan ko ang aking selpon. Hindi ko namalayan na may mensahe palang ipinadala ang guro ng aking mga anak. Sanhi ito ng kawalan pa rin ng signal dito sa amin. Lalo na kung walang load ang aming selpon at hindi ito gaanong nakakatanggap ng mensahe. Pagbasa ko sa mensahe ay dali-daling akong naligo upang makaabot pa ako sa meeting. Mayroon pala kaming meeting sa araw sa buong grade level ng paaralan na pinapasukan ng aking mga anak.

20221021_085816.jpg

Pagkatapos kung maligo ay agad kong kinuha ang aking motorsiklo upang makapunta kaagad ako sa paaralan. Simula kasi paggising ko ngayong umaga ay umuulan na. At papuntang paaralan kasi walang masyadong pedicab na bumibiyahe kapag umuulan.

Pagdating ko sa paaralan ay diko akalaing masyado na palang maraming tao. Kahit pa maulan ay nandoon parin ang mga magulang upang makinig sa mga agenda ng meeting. Nagsimula na pala sila, tamang-tama pagdating ko ay sinimulan na nilang mag explain sa agenda ng meeting.

20221021_085430.jpg

Ang naging agenda ng paaralan kaya nagpatawag sila ng meeting ay upang ipaliwanag sa aming mga magulang ang pagsisimula na ng siyento pursyentong face to face classes. May mga inimbitahan silang mga bisita upang magpaliwanag sa amin sa pagsisimula ng face to face classes.

Matapos maipaliwanag ng lahat ng speaker sa amin ang layunin ng meeting ay may ibinigay sila sa amin. Ito ay isang parent consent kung pumapayag ba kaming isali ang aming mga anak sa face to face classes. Hindi ko pa agad pinirmahan yong sa akin dahil kinailangan ko ring kosultahin ang aking asawa ukol sa iminungkahi ng paaralan. Mas mabuting kaming dalawa ang mag desisyon sa kung ano man ang nakabubuti para sa aming mga anak.

20221021_092544.jpg

Sa panahon ngayon hindi natin maitatanggi na nandiyan pa rin si covid ngunit sa aking sariling pananaw ay mas nakabubuti sa mga bata ang face to face classes. Upang maliwanagan sila ng maayos sa mga guro. Di ko pa alam kung ano ang maging pananaw ng aking asawa ukol dito. Pagkatapos ng meeting at pagkatapos kung mag attendance ay kaagad akong umuwi sa bahay upang ibalita sa aking asawa ang mga pinag-usapan sa meeting.

20221021_111801.jpg

At hanggang dito na natapos ang aking artikulo ngayong araw. Hanggang sa muli, at hanggang sa susunod kung blog. Maraming salamat po...

Iyong lingkod,

Natz

Sort:  
 2 years ago 

wa nay kahadlok mga tao sa covid sir. heheh pero tinuod maayo bitaw ing face to face na.

 2 years ago 

Bintaha man gud kung f2f maam kay makakat on jud ang mga bata..

 2 years ago 

Marami nga pong tao sir. Wala na talaga Covid. Hehe

 2 years ago 

Hindi na natakot ang mga tao kay covid..

I really like your post. I love your writings. Wish you all the best.

 2 years ago 

Thank you.

 2 years ago 

tanan na sugod na jud full in person classes bro. Amping lang jud perme mga bata kay maot pa jud panahon ba.

 2 years ago 

Maojud maam. Dapat mag facemask lng jud ang mga bata if mo eskwela na.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65265.67
ETH 3326.63
USDT 1.00
SBD 2.63