THE DIARY GAME SEASON 3 (03-01-22) PAGSASANAY NG AKING MGA ANAK NG PAGBIBISEKLETA AT PAGLALAAN KO NG ORAS SA KANILA
Magandang Araw!
Ako po ay nagagalak na magbahagi ng aking diary ngayong araw sa komunidad na ito.
Gumising ako at ang aking asawa't mga anak ng maaga ngayong araw. Inilaan kasi namin ang araw na ito sa pagsasanay ng bisekleta para sa kanila. Noon pa man gusto na ng panganay kong anak na si Athena na magsanay ng pagbibisekleta kaso lang itong bisekleta namin ay inihatid namin ito sa probinsiya ilang taon nang nakalipas. Masyado nang matanda ang bisekletang ito. Ito ay nabili ko noong nasa Japan pa ang mahal kong asawa. Ito ang gamit ko papuntang trabaho bago pa man ako nakabili ng aking motorsiklo. Masyado na kaming maraming taong pinagsamahan ng bisekletang ito. Kaya noong nakaraang mga araw ay naisipan naming ipadala ulit ito dito sa Lapu-lapu upang magamit ito ng aking mga anak.
Una kong tinuruan ay si Akira, ang aking pangalawang anak. Masipag siya at pursigido na matuto sa pagbibisekleta. Malakas ang kanyang loob at katulad rin ng kanyang dalawang kapatid na babae. Isinunod namang kong tinuruan ay ang aking pangatlong anak na babae na si Amayah. Masyado siyang matatakutin, at parati lang siyang nakatingin sa mga gulong ng bisekleta. Tinuro ko kasi sa kanya na dapat sa malayo siya nakatingin upang matuto siya. Panghuli kong tinuruan ay aking panganay na anak na si Athena. Ang bilis lang niyang natuto para sa kanya ay madali lang ang pagbibisekleta. Natuto na rin siyang mag bisekleta habang may naka angkas sa likuran niya. Ipina angkas niya sa kanyang likuran ang bunso naming anak na lalaki naming mag-asawa.
Pagkatapos kong turuan ang tatlo kong anak na babae ay hiniram ko muna ang bisekleta upang magdrive saglit at sa hindi ko akalain ay biglang dumating ang asawa ko at umangkas sa may likuran ko. Pinagtatawanan tuloy kami ng aking mga anak dahil na flat daw yong likuran na gulong dahil sa bigat namin hahahah. Sobrang napakasaya namin sa araw na ito. Isa itong napakasulit na araw para sa aking pamilya. Isa na rin ito sa paraan namin ng pagba bonding sa aming mga anak. Napaka simple lang ngunit sigurado akong hindi nila ito malilimutan at mananatili sa kanilang isipan hanggang sa gawin rin nila ito sa kanilang mga anak balang araw.
Hanggang dito na lang po at ikinagagalak ko po itong ibabahagi sa inyong lahat. Maraming salamat po. At inimbitahan kong magbahagi rin ng kanilang mga diary sina @jeanalyn, @jb123, @amayphin.
Gumagalang,
natz04