"Ang SALAPI"

in #poetry8 years ago

image

ANG SALAPI

Kung ikaw ay ingat ng sadyang kapalin

Ay lubahang matunog ang iyong taginting

Maamo kang ibon sa kanilang piling

Nguni, sakdal ilap sa walang isaing;

At saro kang ginto sa mga bigatin

Na dini-diyos nay sinasanto pa rin.

Sa dibdib ng ilang may palalong isip

Ang kagandahan moy walang kahulilip;

<center)Sila na mapalad sa dilag mo at hugis
Madalas ay kulang sa mabuting nais;

Ipinagdaramot munti mong tilamsik

Nilang mga sakim sa higit na gipit.

Hinahapangan ka ng imbit kuhila

Sa dulo ng baril o palisong kaya;

Ibig kang makamtan nitong alibugha

Sa dahas at lakas at kawalang awa;

At mag lumuhod man ang sukol at aba

Pilit kang kukunin ng may pagbabanta.

Nguni, o slapi, sa taong masipag

Ikaw ay gayuma na may anyo at bikas;

Nagpapakarangal nilang tinutuklas

Ang iyong kariktang kanilang pangarap;

Sa kanilang isip ay tunay kang hiyas

Na pagkawanggawa sa sinumang salat.

by: @myaw

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by myaw being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.076
BTC 64056.44
ETH 1676.52
USDT 1.00
SBD 0.41