uloghugot

in #ulog6 years ago

Screenshot_20180731-222549-01.jpeg

Fan po ako sa #ulog ni ginoong @surpassinggoogle kaya sali po ako sa #uloghugot. Ganitong paligsahan ang gusto ko.hehe

"Naalala mo pa kaya ang kahapon nating akala nati'y maging bukas na. Yong mga pangarap nating binuong magkasama. Hindi ko malilimutan yong sinabi mong hindi mo kayang mabuhay kung wala ako, kaya ako naman hanggang ngayon nahihirapan ng mabuhay dahil wala ka. Diba nga umiyak ako dahil ayokong mawala ka sa'kin, oo pinunasan mo ang luha ko sabay yakap ng mahigpit at sinabi mong "mahal kita". Biglang huminto ang luha ko at nanlilisik ang mga mata dahil sa tuwa. Kaso ngayon wala kana talaga, hindi kana makita kahit sa panaginip ko ayaw ng pumayag na isali ka."
Kaya patawad kung napapaluha pa rin ako twing naalala ka. Oo tinatakpan ko ang aking mukha para makaiwas sa pagtingin sayo kung sakaling mapadaan kaman na may kasamang iba. Tinakpan ko ito para hindi mo ako malinlang sa iyong ganda. Makaya ko pa kayang tumingin sa iba kung lahit sila ay kamukha mo? Pano ko sila titigan kung sa pananaw ko andyan ka lang sa harap ko ngumingit sa akin. Hahabolin pa sana kita pero nadapa akong bigla ng may niyakap ka at ang saya-saya mo.
Tinawag kita pero tinawag mo sya. Binuhosan naman kita ng pag-ibig ko pero 'di ka nabasa kasinag payong ka pala. Kaya pina ulan ko na ang lahat sakin kaso ng kapote ka naman pala. Walang nangyari at lalo lang lumamig ang pag-ibig mo sa'kin. Binigyan kita ng kape para uminit ka kaso nilagyan mo lang din ng yelo. Wala talagang mangyayari kung ayaw muna talaga.
Susuko na ako sa laban na wala namang ipaglalaban. Matagal na akong talo dahil sa pagmamahal mong hindi totoo.

Hehe salamat sa pagbasa.

Sort:  

Salamat. Here is a general tip as it will help our movement going forward.

For any ulog-generatedhashtags, the first tag has to be #ulog, so we don't miss it.
Please read this: https://steemit.com/@ulogs/can-ulogging-and-ulogs-org-reshape-the-entire-internet-what-if-we-re-fresh-every-existing-hashtag-birthing-fresh-ulog-based

This comment was made from https://ulogs.org

Ang ganda ng iyong pagkakagawa ginoong @mrnightmare89.. Naka paragraph form man ang iyong hugot nababanaag pa rin sa iyong pagsusulat ang iyong pagiging makata.. May mga linyahan kang makatotohanan at parang meron talagang pinaghuhugutan... Ramdam ko yung emosyon sa iyong akda.. Forte ko yang mga hugutang ganyan at nadala ako sa iyong gawa hehe... Favorite ko ang linya mong,

"Hindi ko malilimutan yong sinabi mong hindi mo kayang mabuhay kung wala ako, kaya ako naman hanggang ngayon nahihirapan nang mabuhay dahil wala ka."

Again, good job kabayan.. Sana fiction lang to, ang lungkot e.

hehe hindi po fiction yan, totoong nangyari yan kaso matagal na inentry ko po yan moveon na patimpalak dati, hirap hanapin ang storya kasi antagal na. hehe salamat po at nagustohan nyo.

Awts di pala fiction 💔
Salamat din at sa post mo'y napadpad.. Sapagkat ako'y nabigyang ideya kung anong paksa ang susunod na isusulat hehe ...

haha pwede pa po ba ulit mg sulat or another tema n?

Isa lang daw per week kabayan...
Ibang tema naman pero meron paring hugutan na kasama....

okay, salamat.hehe malabas ko lahat ng hinanakit nito, luboslubosin ko na to.haha

Hahahaha, mukhang marami kang hugot sa buhay kabayan. 😂😂
Next week, "Nang dahil sa Pag-ibig ....." naman ang bibigyan mo ng hugot ..

naku po panalo ang tema kabayan, iiyak ko na talaga to.hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 58647.98
ETH 2291.48
USDT 1.00
SBD 2.46