Pilat ng kahapon

in #politics8 years ago (edited)

mirror-3155886_1280.jpg

Totoo pala? Tulad sa isang madramang teleserye.

Tagpo kung saan ang isang tauhan ay hindi makatingin sa salaming hindi maaring magsinungaling,
Repleksyon sa katotohanang hindi maikubli.

Mapapahiya lamang sa sarili...

Subukan mo mang burahin gamit ang isang matamis na ngiti,

Lungkot at pagkayamot ay iibabaw diyan sa maskarang bumabalot sa araw-araw na iyong pagtungtong sa entablado ng buhay.

Di para gumanap bilang isang karakter, hango sa pantasya ng isang manunulat.

Pinintahang mukha ay nasira sa tulo ng iyong luha na mula sa mga mata na nagkakanlong ng mga ala-alang kailangang itago.

Lagablab ng damdaming hindi umiimik.

Lahat ng sakit ay gumuguhit na siya namang nag-iwan ng pilat sa loob ng iyong dibdib simula nung nilunok mo ang respeto sa sarili.

Dumaloy sa lalamunan ang pait ng kalupitan ng buhay, nagmarka na pilat mula sa kidlat ng unos na naranasan mo!

Nagpapaalala ng kirot na hindi mawaglit lumipas man ang panahon sa paghilom ng sugat ng iyong kahapon.

Image Source:Pixabay

monkeypattycake.png

Sort:  

galing nman... matalinhaga..

Galing naman sis!👏👏👏

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.083
BTC 64414.57
ETH 1751.02
USDT 1.00
SBD 0.44