The Diary Game (August 30, 2022) - Labas-labas din Pag - May Time! #burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Labas din.png

Magandang araw mga kaibigan!

Kamusta po ang araw ninyo? Ako eto abala na dahil pasukan na ng mga anak. Iba-iba ang kanilang oras ng klase kaya iba-iba rin ang paghatid at sundo. Para na akong lagari nito. Paroon at parito. haha Pero okay lang naman. Para naman ito sa kabutihan ng aming mga anak.

Ngayon, ibabahagi ko lang yung ginawa namin mag-ina bago magpasokan. Mga dalawang linggo na nakalipas. Yung panganay namin ay isinima ng aking asawa sa kanyang trabaho noon. Gusto din sana sumama ng dalawa pero hindi naman pwede dalhin silang tatlo. Medyo nalungkot ang dalawa na ang ate lang nila ang isinama.

Kay naisip ko, isama ko nalang sila dalawa sa mga pupuntahan ko na malapit lang sa amin. Para naman sila ay makalabas. Meron kasi akong sadya sa Palawan Pawnshop sa araw na iyon kaya isinama ko sila. Kinausap ko sila na maglalakad lang kami kasi sa may labasan lang naman. Pumayag naman silang dalawa na sabay sabi na magpapabili ng "something". May kapalit pala hahah Masaya naman ako at nasama ko sila sa labas.

298726031_731331584834622_4023705538907354225_n.jpg

At ito na silang dalawa o, nasa Palawan Pawnshop na. Halatang wala pa talagang ligo hehe. Nagbilad muna kami sa araw.

Mabilis lang naman kami doon. May binayaran lang ako para sa health insurance namin ng aking asawa. In preparation sa aming pagtanda. :)

Pagkatapos doon ay kami na ang naglakad pabalik sa bahay. Pero alam ninyo along the way dami kasing tindahan na pwede bilhan. Kaya itong dalawa turo ng turo sa mga gusto nila. Sabi ko sa kanila budgeted lang yung pera natin kaya ang bibilhin natin ay yung kaya lang sa ating bulsa. Mabuti naman at hindi na sila nag apila pa.

Bumili na rin ako ng mga prutas at konting gulay.

300622425_599863545049099_6232279151251393195_n.jpg

300533286_761512501800527_5347344378792136304_n.jpg

Nagselfie ako kahit ang init. hahah Kuhang-kuha yung manipis ko na buhok :D

300577280_1247793029390013_59705889742650070_n.jpg

Ayan silang dalawa, malapit na kasi kami sa bahay at nauna na sila sa akin. Tuwang tuwa naman sila kasama ang payong. :D

Pagdating sa bahay sa araw na yun ay agad-agad nilang tinawagan ang kanilang Ate sa Messenger at ibinalita kung saan sila nagpunta. Natutuwa naman ako at kahit papaano at nag-eenjoy naman sila kahit sa mga simple na mga bagay.

Dati rati karga-karga ko pa ito sila. Pero ngayon silang tatlo ay nag-aaral na. Ang bilis talaga ng panahon. Kaya sa mga may mga anak na mga maliliit dyan, cherish lang po natin ang mga moments habang bata pa mga anak natin.

Maraming salamat po sa pagbabasa hanggang dito. Inaanyayahan ko ang aking mga kaibagan @jurich60, @junebride at ang aking asawa @arjayyuson na magbahagi ng kanilang diary din.

Hanggang sa muli! ingat po tayong lahat!

Love,

Met

me2selah.gif

Sort:  
 2 years ago 

buy something..hehehe

sis apir sa nipis ug buhok! huhu

lage no? dali ra kaau ang panahon ba... hayz.. si matti sad gani kay mostorya na jd sa gusto hhehehe

 2 years ago 

kana gyud something sis preset kanunay heheh

nipis na lagi sis, plano ko pashort hair para d kaayo halata. hehe

dali ra gyud sis. nah samot na gyud na ug mudako magtuman na sa gusto hehe

 2 years ago 

hehe pero mas manageable ba ang girls? hehe nagplan pa mo sundan? hehehe

 2 years ago 

Evaluation Date: August 30-22

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Supports burn steem 25
 2 years ago 

Mabuti masunurin mga princesses mo, di mapilit at nakakaintindi. Totoo yan kay bilis talaga ng panahon. Di mo lang mamalayan soon mag ka apo ka na same sa akin may apo na sa tuhod. Thanks sa mention.

 2 years ago 

bilis nga Ate eh, malapit na kami magkaroon ng teenager.

Congratulations!

This post has been upvoted through steemcurator07

IMG_20220709_154455_053.jpg

Curated By - @enveng
Curation Team - Cosmopolitan

 2 years ago 

Thank you so much!

 2 years ago 

Sanaol ahahha 😅..enjoy kayu ate 🥰

 2 years ago 

enjoy sila Jess hehe

 2 years ago 

relate much mga inahan dereng dapita sis, multi tasking on the go😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58478.70
ETH 3158.37
USDT 1.00
SBD 2.43