Philippine Poetry and Song Contest #1, "Yapak ng Guro"

in #wikang-filipino7 years ago (edited)



Mahal kong guro'y masayang nagtuturo
Araw at gabi siya ay nagpaplano
Pagod sa kanyang mukha'y di mabanaag
Sa kanyang trabaho na kahabag-habag


Wag sanang mawalan sami'n ng pasensya
Pag-unawa sa amin ay habaan pa
Oh! guro, kami sayo'y tumitingala
Ikaw ang siyang hinahangaan ng madla


Dahil sa taglay mong tapang at alindog
Natatangi ang iyong bait at bantog
Kaya ako'y hindi nagdalawang isip
Yapak mo'y sinunda't iba'y di malirip


Masayang tinatahak ngayon ang daan
Kinaya ang mga pagsubok na nagdaan
Ilang beses tinanong ko ang sarili
Kung kaya pa ba o di na makabawi


Kaya ang tanging hiling sa Panginoon
Naway gabayan hanggang sa huling taon
Na ang mga paghihirap naway magbunga
Lahat ng tagumpay ay laan sa twina.


Sukat na Lalabindalawahin
Tugmaang Ganap (AABB)

Thank You for reading and  God bless.


Sort:  

Awee <3 Nice! :)

payts kaayo ma'am!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76616.72
ETH 2877.13
USDT 1.00
SBD 2.56