Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| September 25,2022|| "Ang Kaarawan Ng Aking Pamangkin"
Edited By: Canva Application
Umaga pa lang kanina ay abalang-abala na ang lahat sa pag-aayos at pag-aasikaso sa mga dekorasyon at mga sangkap na lulutuin. Ang pakain kasi ay para sa tanghali o pananghalian kaya minabuti talaga na magtutulungan ang lahat para madaling matapos ang mga gawain at hindi maabotan ng oras. May kanya-kanyang mga gawain ang bawat kasapi ng aming pamilya, ang iba ay naglilinis ng bahay, nag-aayos ng mga gamit, nagluluto ng ulam at naglalagay ng dekorasyon sa mesa.
Hindi mawawala sa isang okasyon ang lechong baboy. Ito ang isa sa mga sentro sa isang handaan. Abalang-abala din si uncle sa paglilinis ng baboy at pagkatapos ay nilagyan niya ito ng pampalasa para masalang na sa nagbabagang apoy. Medyo matagal maluto ang lechon kaya minabuti na maaga itong lutuin para pagdating ng tanghali ay makakain na ang lahat.
Ang mga kababaehan naman ay abalang-abala sa pagbabalat ng mga carrots at patatas na siyang isasahog sa ilulutong pagkain. Medyo mahirap balatan ang ganitong uri ng gulay kaya ginagamitan ito ng piller at ang iba naman ay gumamit ng kutsilyo. Hindi lang ang mga gulay ang inihanda, pati na rin ang bawang, sibuyas at iba pang sangkap na nagpapabango ng pagkain.
Di nagtagal, isinalang na ang lechon at sinimulan nang paikot-ikotin ang tinuhog na baboy. Swerte naman at hindi masama ang panahon kaya walang udlot sa pagluluto ng lechon. Kasama ng aking uncle sa pagluluto ang aking iba pang pinsan, masaya silang nagkekwentuhan sa bawat isa tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid. Madali lang naluto ang lechon dahil uling ang ginamit sa pagluluto nito.
Ito ang ilan pa sa mga niluto namin kaninang umaga. Minabuti na may iba pang potahe para masayahan naman ang mga bisitang dadalo sa kaarawan. Ang lahat ay abalang-abala talaga sa pagluluto sa ibat-ibang potahe o ulam. Nasiyahan naman ako dahil ang lahat ng kasapi ng pamilya ay nagtutulungan para mapadali ang lahat ng gawain. Hindi rin maiiwasang may mga bata na naghahabulan sa loob at labas ng bahay pero okay lang dahil nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa buhay.
May pagiveaways ding ibibigay para sa mga batang dadalo sa okasyon. Dahil ang paborito ng aking pamangkin ay ang isang Cartoon movie na pinamagatang Frozen kaya ito ang theme ng kanyang kaarawan. Ang giveaways ay naglalaman ng mga candies, mga laruan at iba pa. Natutuwa naman ang mga bata na nakakuha ng giveaways mula sa okasyon.
Ito Ang Handa namin kanina
Bago kumain ay syempre nanalangin muna kami t ipinalangin namin ang nagdiwang ng kaarawan at pagkatapos ay sinimulan na naming kumain. Masayang-masaya ang lahat habang kumakain.Hotdog na may marshmallow sa dulo, Adobo o humba komg tawagin namin, bihon, lechon baboy, cake, lumpia, kalderita at macaroni salad.
Dumating rin ang mga kasamahan ng aking tita na mga guro mula pa sa Iligan City at tuwang-tuwa naman ang aking pamangkin na nakita niya ang kanyang mga ninang.
Thank you..
Ginutom mo po ako. Enge lechon at patake- out ng shanghai
@beyonddisability
Luzon Moderator
Sure.. 😊😊 Salamat sa rate po. 😊😊
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.
Thank you very much.. 😊😊