Burnsteem25||Diary Game Season 3||August 7, 2022|| "Renovation Activities"

in Steemit Philippines2 years ago

Magandang umaga sa ating lahat.

Kapag ang tao ay marunong magsikap sa buhay ay may maganda talagang makukuha o maaaning gantimpala sa likod ng ating pagsusumikap sa buhay. Ang paksa ko para sa araw na ito ay tungkol sa pagkukumponi ng bahay ng aking lola dito malapit sa aming lugar. Matagal nang pangarap ng aking lola ang magkaroon ng magandang bahay, noong una kasi ay medyo sira pa ang bahay ni lola kaya nahihirapan talaga siya lalo na kapag may malakas na pag-ulan. Maraming butas ang mga bubong, malalaking tipak ng semento sa sahig dulot ng nagdaang lindol, masisikip ang loob ng bahay niya, at wasak ang bahagi ng kusina dahil nabubulok ang mga kawayan dahil palaging nababasa kapag naghuhugas ng pinggan o pinagkainan o di kaya ay tuwing magluluto.

IMG20220806105834_00.jpg

Sa tulong ng aking tita na isang guro sa isang pampublikong paaralan ng Iligan ay nakabou siya ng isang plano sa pagpapakumpuni o pagsasaayos ng bahay. Agad namang nakakuha ng mga taong magtatrabaho dahil ang kapatid lang din naman ni tita ang siyang nagtatrabaho sa pagkukumpuni ng bahay. Nang nalaman ni lola ang tungkol dito ay laking tuwa niya talaga dahil para sa kanya, malaking tulong talaga ito para maayos na ang pamumuhay niya. Wala nang butas na bobung na tumutulo kaoag may malakas na pag -ulan, hindi na makakapasok ang tubig at hindi na siya mahulog sa bulok na sahig na yari sa kawayan.

Una, para maganda ang sa loob na parte ng bahay ay nilagyan muna ng mga wallpaper ang dingding para mas magandang tingnan. Nakakaattract kasi sa mata kapag may magandang wallpaper na dinidikit dahil kung titingnan ito sa malayo ay parang semento talaga. Inalis ang mga sirang bagay para maluwag ang sa loob ng bahay at dahan-dahang inaayos ang mga kagamitan lalo na ang mga kabinet.

IMG20220806105843_00.jpg

Noong una, isa rin sa mga problema ni lola ay ang hindi maayos na palikuran, mga butas-butas na dingding ng palikuran at walang maayos pinto nito. Tanging mga tarpaulin lamang ang ginamit na pantakip o pangharang upang hindi makita ang tao na nasa loob ng CR.

Kaya agad naman binigyan ng aksyon ang naturang problema, kaya agad inayos ang CR kaya ito na ngayon, may magandang pinto at sementado na ang dingding nito. Nilagyan din ng ilaw ang loob ng CR para makikita ang mga bagay na gagamitin lalo na kapag gabi.

IMG20220806105853_00.jpg

Ang dating butas-butas na sahig at banggera nito ay napalitan na ngayon ng semento at nakatiles pa ito. Dahil under construction pa ang lugar kaya hindi pa naligpit lahat ng gamit at inilagay lang ito sa gilid. Ang sa ilalim ng lababo ay balak lagyan ng kabinet para doon iligpit ang mga gamit gaya ng mga kaldero, at iba pang gamit sa kusina.

At para mas organisado ay napag-isipan din ni tita na bumili ng tray na paglagyan ng mga pinggan, kutsara, baso at iba pang gamit sa kusina. Bumili rin si tita ng water despenser para hindi na mahirapang kumuha ng tubig inumin. Ang sahig ng kusina ay sementado na at maayos na ito.

IMG20220806105859_00.jpg

Dati ay problema din dito sa loob ng bahay ni lola ang baha pumapasok kapag may malakas na pagbaha. Dito sa lugar na ito kadalasang pumapasok ang tubig, kaya senimento agad ang sala ng bahay at medyo itinaas ito para hindi na papasok ang tubig. Para mapaganda ang lugar ay nilagyan agad ng floormat para mas kaaya-ayang tingnan ito.

Hindi mawawala sa pagtatrabaho ang meryenda gaya nitong paborito kong shakoy at softdrinks. Tuwing alas 3 ng hapon ay may meryenda talagang nagaganap para mas lalong gaganahan ang mga nagtatrabaho. Nakita ko sa mukha ni lola ang pagiging masaya dahil sa wakas ay matatamasa na niya ang magandang bahay at hindi na siya mahihirapan. Laking pasalamat niya na may mga anak na tumulong sa kanya na magkaroon ng maayos na bahay.

image.png

Nakakasaya kapag may mga anak na nagmamahal sa kanyang magulang . Masusuklisn na natin ang sakripisyo ng ating magulang noong bata pa tayo.

Bago ko tapusin ang post kong ito ay nais kong ibahagi ang 25% sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

Ay Ganda Ng Bahay ni Lola mo. Nagandahan Ako sa floor mat colorful kaayaaya tingnan, happy Ang house na home.

 2 years ago 

Tama ka ate.. maraming salamat po sa pagbisita sa aking post.. ☺️

TEAM LUCKY DIP

Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator09.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @nadeesew

 2 years ago 

Thank you very much.. ☺️

 2 years ago 

Maganda ang iyong adhikain. Pagpalain ka sana ng Diyos

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66931.79
ETH 3249.50
USDT 1.00
SBD 4.10