Burnsteem25+ Club5050|| Diary Game Season 3|| September 16, 2022|| "Chicken Adobo Recipé"
Edited By: Canva Application
Maganda gabi sa ating lahat mga ka-steemians.
Marami tayong mga kultura na minana pa sa ating mga ninuno o nakakatanda. Ibat-ibang uro ng kultura na nagagamit pa rin natin hanggang ngayon. Isa na dito ang mga pagkain o niluluto nating mga pagkain sa bahay. Ngayong gabi ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakasarap na potahe na niluto ngayong gabi para sa aming hapunan at ito ay ang Chicken Adobo.
Kaninang hapon ay nagpasya kaming magluto ng uulamin namin sa hapunan at napakasaya ko naman dahil makakatikim na naman ako ng preskong manok. Noong una, tinuruan na ako ng aking ama sa pagluto nito kaya kanina sinubukan kong gamitin ang mga natutunan ko sa pagluluto na itinuro sa akin. Ang adobong manok ay isang uri ng pagkain na pwedeng pangnegosyo o di kaya ay panghanda sa mga espesyal na okasyon gaya ng kaarawan, kasal, binyag at marami pang iba.Ayun sa aking ama ay namana pa niya daw ito sa kanyang yumaong ama kaya nagpasalin-salin na ito hanggang ngayon. May mga kakaunting sangkap sa pagluluto nito at ito ay ang mga sumusunod;
👉 Bawang ( Garlic )
👉 Sibuyas ( onions )
👉 Tuyo ( Soy sauce )
👉 Mantika ( Cooking oil )
👉 Asin ( Salt )
👉 Ibang pampalasa ( other seasonings )
👉 Paminta
Una, dapat linisin mg maayos ang karne ng manok para walang mga dumi o mikrobyo na kakapit dito. Pagkatapos ay lagyan ito ng tuyo at ibabad ito ng 20 minuto. Nakakatulong ito para manonuhot ang lasa nito laman o karne ng manok.
Balatan ang sibuyas at bawang at hiwain ito sa pinong-pino. Nakakatulong ito para madaling maluto. Nakapagbibigay kasi ito ng magandang lasa at amoy ng nilulutong pagkain.
Painitin ang mantika at isunod na ilagay ang tinatadtad na bawang at sibuyas. Gisahin ito hanggang lalabas na ang mabangong amoy nito at magiging kulay golden brown na ito. Haluin ito ng mabuti para hindi iitim at masunog ang bawang at sibuyas.
Isunod na ilagay ang karne ng manok at hakuin ito ng mabuti. Takpan ito ng ilang minuto at pagkatapos ay lagyan ng kaunting tubig para may sabaw. Para naman sa mga taong hindi mahilig sa may medyong sabaw ay pwede ring hindi na lagyan ng tubig.
Kapag malapit na itong maluto ay lagyan ito ng pampalasa gaya ng asin at iba pang seasonings. Para sa paglagay nito ay dapat kaunti lang muna ang ilagay para matantya ang lasa nito at hindi maalat ang lasa. Haluin ito ng mabuti para mas maging balanse ang lasa nito. Kapag nahalu na lahat ay lutuin ito ng ilang minuto hanggang sa lumambot na ang laman nito.
Ito na ang ating chicken adobo. Paborito ito ng lahat at makakarami ka talaga ng kain nito.
Curated By - @harferri
Curation Team - Team 3
Thank you very much..
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.
Thank you very much..
Sarap naman nito
Mas lalong sasarap ate kapag may lutong pagmamahal. 😊😊
Hello friend @manticao, very good this publication that you have shared with us. The seasoned chicken is very good.
Friend, to improve your performance on Steemit I recommend you use your voting power to support other publications, remember not to vote for yourself, as this lowers your CSI, and is not convenient.
To observe your voting pattern and CSI, you can visit the page: https://steemworld.org/@manticao
Greetings and blessings.
Okay friend. I will. Thank you for notifying me. 😊
ang sarp naman ng recipe mo my friend. Paniguradong patok na patok eto sa buong pamilya.😉👍
Salamat po ate.. Yes, lalo na kapag may lutong pagmamahal. 😊