Burnsteem25 +Club5050|| Diary Game Season 3|| August 11, 2022|| "Pansit With Sardines Recipé"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20220811_191006_0000.png

Edited By: Canva Application

Isang mapagpalang gabi sa ating lahat.

Hindi mawawala sa hapag-kainan ang ulam. Tradisyon na nating mga tao ang may kapares na ulam kapag tayo ay kakain ng almusal, pananghalian o haponan man. Kahit gaano ito ka simple ay maituturing talagang ulam na siyang nakakagana sa ating kinakain. Ngayong gabi ay ibabahagi ko sa inyo ang simpleng potahe na niluto ko kaninang tanghali at ito ay ang Pansit Na may Kasamang Sardinas. Kahit napakasimpleng ulam lang ito ay masasabi kong masarap pa rin. Ito ay isang uri ng pagkaing pang Probinsya at masarap din itong kainin kahit walang kanin. Ang Pansit kasi ay isang uri ng pagkain na nagtataglay ng carbohydrates kaya pwede ring kainin kahit walang kanin na kasama.

images(2).jpg
May mga kakaunting sahog kong tayo ay magluluto ng ganitong uri ng ulam, hindi magastos at madali lang lutuin. Nakasanayan na namin itong lutuin simula noong bata pa ako. Mas masarap din kapag maanghang na sardinas ang sinasahog sa pagluluto ng pansit. Sa halagang 60 pesos ay makakaluto ka na nito, kaya simulan na nating magluluto ng Pansit Na may Sardinas.

Narito ang mga sangkap;
° Sardinas (Chilli Flavor)
° Bawang
° Sibuyas
° Asin
° Ibang pampalasa
° Tuyo
° Pansit
° Mantika

1655301247470.jpg

IMG20220811110513.jpg

Una, Balatan muna natin ang bawang at sibuyas dahil ito talaga ang inuuna kapag tayo ay nagigisa ng pagkain.

IMG_20220811_111414.jpg

Ito ang hitsura ng ng pansit kapag hindi pa luto. Isang mataas na kulay dilaw na parang mga sticks. Kapag inilagay ito sa mainit na tubig ay lalambot ito.

IMG20220811111913.jpg

Kapag handa na ang lahat, igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika. Gisahin ito hanggang sa lumabas na ang mabangong amoy nito at kulay na golden brown nito.

IMG20220811112050.jpg

Sunod na igisa ang sardinas at gisahin lang ito sa loob ng 20 sigundo. Kapag malabis ang pagisa nito ay mawawala ang laman ng sardinas at sabaw nalang ang matitira.

IMG20220811113736.jpg

Isunod ilagay ang Tuyo at haluin ng mabuti at pagkatapos ay isunod ang pansit na ilagay at tubig para may sabaw ito. Pakuluan ito ng ilang minuto. Pagkumolo na ay lagyan ng angkop na dami ng asin at iba pang pampalasa sa mga nilulutong ulam. Haluin ito ng mabuti para maging balanse ang lasa nito at pakuluan ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na itong maluto.

IMG20220811121159.jpg

Ito ang ating potahe para sa araw na ito, ang Pansit na may kasamang Sardinas. Napakasimple at hindi magastos ito kaya makakaluto talaga tayo agad nito.

images(2).jpg

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa araw na ito ay nais kong ibahagi ang 25% mula sa payout kong ito sa @null.

1638606703422.png

Sort:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much.

 2 years ago 
Evaluation date: August 11, 2022
StatusRemark
Verified user
At least #club5050
Plagiarism free
#steemexclusive
Bot free
At least 300 words

Thank you for creating quality content here at Steemit Philippines Community.

@fabio2614, MOD-Greeter

 2 years ago 

Thank you very much for the rate.. 😊

 2 years ago 

yummy yan..mapapadami rice natin jan hehe

 2 years ago 

Tama ka ate.. kain po tayo. 😁

Excelente plato nos regalas hoy me encanto el paso a paso y el resultado final se fenomenal. Gracias por compartir saludos

 2 years ago 

Thank you very much for visiting my post.. 😊😊

 2 years ago 

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator08

Curated by @mrsokal

SteemCor07 - Lifestyle Curation Team

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

Simple pero lami.an nga sud.an

 2 years ago 

Sakto gyud ka .. salamat sa pagbisita sa akong post. 😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 60535.47
ETH 2656.26
USDT 1.00
SBD 2.46