TAYONG DALAWA : ISANGTULA

in #filipino-poetry8 years ago (edited)

image
Photo Crefit

Natutuwa ako kapag tayo'y magkasama ,
Kapag sa akin nagpapaalam ka ,
Nagsasabi kung saan pupunta
At ako'y tinatanong kung ano ang ginagawa.

Ang saya lang talagang isiping ,
Napagtutuunan mo na ako ng pansin.
Hindi mo ko siniseen
At nakikita kong masaya ka para sa akin.

Ay ! May nakalimutan ako,
Hindi ko pa pala nababanggit yung salitang 'tayong dalawa'
Pero , ano bang ibig sabihin nun para sa iyo ?
Yun ba yung kabaliktaran ng ayoko sayo?

Pasensya na , gumagana na naman yung pagiging joker ko haha .
Gusto mo yung mga pagpapatawa ko hindi ba ?
Minsan nga , nacocornyhan ka pa,
May tanong lang ako , handa ka na bang tumawa ?

Sisimulan ko na yung napakalupet kong joke sa salitang "AKO"
Ako ay nagmahal ng isang katulad mo,
Ako ay nagdasal na ikaw na nga ang para sa buhay ko,
Pero saglit lang , kalma , ako yan , ako .

Ikaw? Ikaw ang manhid na mahal ko.
May pagkalahi ka sigurong bato no?
Miss, miss ano ba talaga ko sayo ?
Pwede bang sabihin mo ? Durog na durog na kasi yung puso ko sa kakaasa oh.

At ngayon , hindi bukas , hindi sa isang taon .
Ihanda mo na ang panga mo para pagtawanan ito ,
Yung mga salitang "tayong dalawa " , ewan ko ba , pero gustong gusto ko talaga,
Pinagsama kasi yung ikaw at ako pa.

Sa tulang ito ,
Hindi klaro ang "tayong dalawa"
Ang gulo gulo kasi sa pagkakaalam ko .
Saksak puso ang sakit , tagos hanggang buto,
Baka kasi umaasa lang nga talaga ako

HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA
ANG GALING KO TALAGANG MAGPATAWA .
KAHIT ANG SAKIT SAKIT NA .
HAHAHAHA , MAHAL KITA .

Sort:  

Napakahusay ng iyong tula!
Kitang kita na ito talaga ay pinag-isipang mabuti! :D

Thank you ate @escuetapamela :) talagang pinag isipan kung mabuti at galing sa puso.

Keep it up, job well done! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.100
BTC 63838.91
ETH 1916.53
USDT 1.00
SBD 0.37