ANG PAG-IBIG : TULA

images (12).jpeg
Photo Credit

Saan ba kita makikita?
Sana naman ay ikaw aking ma inda
Sa puso kong may halong sakit?
O sa isip ko na maraming iniisip?

Ikaw ba ang mapaglaro?
O mapagtaksil?
Kailangan kabang hanapin?
O sadyang bigla kana lang darating?

Matagal na kitang hinahanap,
Ngunit hindi pa rin kita makita,
Nasaan ka nga ba talaga? Sa mga ulap?
Ako'y litong lito na.

Isang araw, May nag tanong sa'kin,
"Ano ang pagmamahal?"
Sagot ko naman hindi ko alam.
Ngunit sabi n'ya "Subukan mong mahalin ang sarili mo at doon mo makikita."

Ako'y nabighani sa kanyang sinabi,
Pero napatanong ako sa kanya,
Bakit kopa mamahalin ang sarili ko kung hindi ko naman alam kung pano?
Kung wala din naman nag mamahal sakin?

Ngunit sabi nya, "Maraming nag mamahal sayo, hindi mo lang nararamdaman dahil takot kang matutunan."
At siya'y umalis ng hindi nag paalam,
At ako'y nagising isa pala syang panaginip.

Bigla akong napaisip,
Sino nga ba talaga ang taong yun?
At bakit n'ya ako kinausap?
Sya ba ang aking katawan?
O sya ang tanong sa aking mga agam-agam?

Ngayon, alam kona ang pagmamahal,
Mag sisimula sayo at sa sarili mo lamang,
Sa pamilya mong nag aaruga sayo,
Sa kaibigan mong palaging kasama mo,
At higit sa lahat sa Panginoon.

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.082
BTC 61289.85
ETH 1583.19
USDT 1.00
SBD 0.47