--- Steemit Philippines Steem Promotion "Art Contest" by @louie35

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

MY HANDMADE CEMENT POT

inbound4134805728665108504.jpg

Magandang araw po sa lahat ng steemians. Ito po ang aking handmade cement pots,nandito po ang mga materyales at procedure kung paano ko po ito ginawa,sanay ay magustuhan po ninyo ito.
inbound3457826462024023502.jpg

Materyales:
Semento
Buhangin
Welding rod
Round stick
Kutsilyo na luma
Molder (inner)
Molder (outer)
Paint brush
Sanding paper

Procedure:

  1. Una mag mixed ng semento at buhangin,1:3 1semento 3buhangin.(depende kung ano ang gagamitin mong sukatan basta 1:3 yung mixing.),at haluin ng mabuti.

  2. Lagyan ng tubig,dapat katamtaman lang yung tubig,dapat hindi malasaw yung hinahalong semento,kasi mahihirapan kang gumawa ng pot. Tapos malagyan ng tubig ay haluin ulit,(make sure na yung hinalo mong semento at tubig ,na pagdampot mo sa iyong kamay dapat hindi siya didikit sa kamay mo ang masa.),yan po ang magandang mixing.

  3. Pag okey na ang mixing,ay ilagay na sa outer molder,(dapat kunti lang ang ilagay na masa ng semento.),galing sa pinaka baba ng outer molder dapat 1 inch yung kapal ng masa ng semento,e tampered gamit ang round stick,para tumibay,yung masa kasi nagsisilbing foundation sa cement pot. Tapos ilagay ang inner molder,dapat ang inner molder ay may distansiya sa magkabilaan na 10-15 mm,at dapat ang inner molder ay punuin ng buhangin,kasi kapag walang laman na buhangin ang inner molder ay gagalaw, at dahilan na hindi ka makakagawa ng magandang pot.

  4. Pagkatapos na malagay yung inner molder,yung sinabi ko na may distansiya na 10-15mm,lagyan ng masa ng semento,punuin ang gilid ng masa,then poke it,hanggang mapuno po ito,kapag puno na ay idiin ng lumang kutsilyo,to make flat. Tapos ipitin ng dalawang paa ang outer molder,dapat mahigpit yung pagka ipit,tapos hawakan mo ng dalawang kamay ang inner molder,tapos dahan -dahan na ikutin ang inner molder ,hanggang matanggal,huwag biglain baka mabasag.

  5. Pagkatapos matanggal ang inner molder ay butasan yung foundation gamit ang welding rod,mga 3 or 5 ang butas,depende sa gagawin na pot,kung malaki,maganda 5,kung maliit naman 3,yan po ang daanan ng tubig. Tapos takpan ng plywood o yung makapal na papel,malaki lang kaunti sa molder,parisukat yung porma ng plywood o papel. Tapos buhatin ng dahan - dahan ang molder,at baliktarin yung molder at ilagay sa flat surface.(sa akin nilagay ko sa mesa namin para flat talaga.)Parang ganito.
    inbound2825436589885310392.jpg,tapos ang outer molder naman ay dahan-dahan na iaangat pataas para matanggal yung outer molder,at ma iiwan na yung cement pot.di pa dapat galawin kasi basa pa,sigurado pag may vibration kahit kunti lang ay mababasag po. At dapat di pwede ilagay sa direct sunlight,mag crack po,hayaan lang na hangin lang makapagpatuyo ng cement pot,leave it for one day.

  6. Pagkatapos matuyo na,ay mag mixed ng semento at tubig lang,make it sticky,at ilagay sa buong party ng cement pot loob at labas po gamit ang paint brush,at pagkatapos ay patuyuin, leave it for another one day.

  7. Kapag okey na,gamitan na ng sanding paper para linisin ang cement pot. Linisin hanggang sa paghaplos mo ng kamay mo na smooth na,yan ay okey na. Pagkatapos ay punasan ng tubig gamit po ang basahan,tapos patuyuin,mga 30 minutes ay tuyo na po yan. Pagkatapos may re-touch pa,may party kasi na matutuklap o may butas na maliliit,kaya lagyan ulit ng semento yung mga party na iyon.at another 30minutes na naman po. Tapos linisin ulit gamit yung sanding paper na may pinaka maliit na grano which is 1000.Dahan-dahan lang po ng pag liliha. Punasan ulit ng tubig gamit ang basahan at patuyuin.
    Ganito na po ang itsura ng cement pot natin.
    inbound6507829295549981200.jpg

Pagkatapos po ay pwede na pinturahan ,nasa sa atin lang po kung ano ang gusto na ting kulay at design ng cement pot. Ang mga ginagamit ko po na design ay black with white splash,stripe with the combination of blue and gold or stripe green with the combination of gold.
Yung iba kung mga costumer ay gusto nila walang pintura,kasi sila nlang daw ang mag design ng kanilang pots. Ayus lang din sa akin kasi less na po yung trabaho ko,pero less din po yung presyo nila kasi nga walang pintura..kung may pintura na kasi ay mataas kaunti yung price ng pot ko.

Ito po ang mga example picture ng pot ko.

inbound42507021268160103.jpg

inbound24925782948905428.jpg

inbound35368593216796986.jpg

inbound535064309437924043.jpg
Ito po ay pang cactus po siya,pwede po sa succulent plant.

At gumawa po ako ng give aways na cement pot.yan po ang pinaka mahirap gawin kasi kunting galaw lang ay mababasag na kasi ang liit na..ito po pang give aways.

inbound6361038635270774534.jpg

TO GOD BE ALL THE GLORY!!

20% rewards goes to @steemitphcurator

I invited @jojoyapo @jb123 @caydenshan @quilvz

Sort:  
 2 years ago 

Judge:@juichi

Criteria for judgingRate 0-10
Plagiarismpassed
Relevance to the theme9.2
Creativity9.4
Technique9
Story quality9.2
Total rating9.2

Thank you for your participation in this contest.

 2 years ago 

Thank you sa update sir.

 2 years ago 

Wow very creative. Thank you for joing our contest. 😊

 2 years ago 

Salamat po...God bless

 2 years ago 

Galing naman, Bro! Nung grade school ako tinuruan naman ako pano gumawa ng pot out of clay. Sarap kaya gumawa para lang akong naglalaro. na-miss ko tuloy ang paggawa ng pots nung nasa probinsya pa kami. Thanks for sharing.

 2 years ago (edited)

Salamat po sis..parang clay pot po siya sis pero semento at buhangin lang yan at molder .

 2 years ago 

very creative po.. maka sana all talaga kami

 2 years ago 

Thank you po mam @jes88..God bless

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65248.25
ETH 3471.40
USDT 1.00
SBD 2.51